Chapter 12

40 10 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya ngayon.

Sakin pa galit, eh siya nga itong magnanakaw ng picture.

Tsaka paano ko naman malalaman kung kanino yun kung hindi ko bubuksan?

Alangan naman kausapin ko yung cellphone.

Nakakainis!

May galit ka ba sa akin men?

Aminin mo na nga lang na crush mo talaga ako, isisisi mo pa sa akin yung kasalanan mo eh.

Okay, hindi talaga ako makapagsalita ngayon.

Tinititigan ko lang siya, baka may sasabihin pa.

Hindi man lang hinintay yung paliwanag ko.

Maya-maya pa ay gumising na rin si Alina.

Lord, salamat.
Save me Alina!

Bespren, tulungan mo ako dito.

"Oy, attorney. Napadalaw ka?"
Pambungad niya.

Awiee, galingan mo bespar.
Kausapin mo pa.

Pakilipat ng topic, baka maaway ko to.

"None of your business."

Luh, tangshit maattitude 'kala mo condo niya to.

Bossing, hindi sayo ang tinatapakan mong condo.

"Nye nye nye. Suplado."

Bespar para kang tanga.

"Pasok ka attorney. Dito kayo sa loob maglandian. Baka may dumaan diyan."

What!?

'Kala ko ba tutulungan mo na ako sa gulo.

Tangshit!!

Pinandilatan ko na lang siya ng mata.

Nilapitan ko siya at kinurot sa bewang.

'Dadamay pa ako sa kalandian niya.

Pumasok naman si Austine.

Ang awkward shit!

Naka white sando lang siya at naka short.

Mukhang nagmamadali siguro siya kaya hindi na niya naisipang magbihis.

Hayop! Ang bango parin.

Luh maugat yung kamay.

Ang linis talaga kahit kailan.

Dumeretso siya sa sofa.

Parang condo mo lang boss ah.

"Ciara, let's talk."
Napapa-os na saad niya.

Gago ang lalim talaga ng boses.

Ang buo pa.

Pero kinakabahan ako.

'Yung feeling na parang pinatawag ka sa Guidance Office.

Boss, anong pag-uusapan?

Boss, usap lang ha.

Umupo na rin ako sa sofa.

Medyo malayo sa kinauupuan niya, baka kasi bigla akong batukan.

Nakita ko namang papunta si Alina sa kusina.

Pagkain naman diyan bespar.

'Kala ko ba mag-uusap tayo. 'Bat ang tagal mong magsalita!

Hoy bossing!

Ays ako pala bossing dito. Ako ba?!

"Attorney, sorry."
Ako na bumasag sa katahimikan.

Pacute tayo ng kunti, paawa effect para bumigay.

The Just( AVAILABLE IN PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon