Hindi ko alam kung anong masamang hangin nanaman ang pumasok sa utak niya at bigla nalang siyang naglaho sa haven ko at naiwan na lamang akong nakatulala nakatingin sa pintong linabasan niya.
Kilala ko siya sigurado ako dahil ngayon ko lang naalala ang kaniyang mga mata.
He is my step brother Zeus at siya ang hari ng Olympus the land of the Gods and Goddesses kung tama ang hinala ko dahil sinabi niya na siya ang hari.
Sobrang tanga ko naman at hindi ko agad siya nakilala pero hindi kasi ako lumalabas ng haven ko kaya wala akong balita sa mga nangyayari sa Olympus.
Hindi naman namin pwede panoorin ang ginagawa ng bawat isa dahil batas iyon sa aming mga Gods at Godesses na respetuhin ang pribadong ginagawa namin at bawal ang panoorin ito.
Isa lang ang paraan upang mas makilala ko pa siya at malaman kung ano na ang mga nangyayari sa Olympus.
Kinabukasan agad akong nagbihis ng isang deep v neck cut na white dress with no sleeves na umabot sa lupa ang haba nito at sinuot ko din ang aking korona na tinatawag na polos it is a high cylindrical crown that indicates that I am a Goddess pero dinagdagan ko ang disenyo nito ng white pearls na napapalibutan ng mga maliit na diamonds sa paligid nito at kapag naiilawan ay kumikinang ito at mas magandang tignan.
I am ready. It's been years since the last time I saw Olympus.
Dumaan ako sa isang lagusan na napapalibutan ng mga mababangis na hayop palabas sa haven ko. Kaya ganon na lang ang gulat ko ng makapasok si Zeus dahil imposibleng makadaan sa lagusang ito.
Kilala ako ng mga mababangis na hayop na ito dahil ako ang lumikha sakanila upang magbantay ng lagusan. Walang maliligaw at makakaabot ng buhay sa haven ko hangga't pinapahintulutan ko itong makapasok.
Paglabas ko ng lagusan ay narinig ko agad ang ingay ng mga servant sa kani-kanilang mga bahay ang iba ay abala sa paggawa ng utos sakanila ng mga Gods at Goddess ngunit ang iba ay agad akong nakita at natigilan sakanilang mga ginagawa upang lumuhod bilang pagbigay galang.
Olympus is a kingdom of Gods and Goddesses pero may lugar kung saan nakatira at nagtayo ng matutuluyan ang mga tagapagsilbi namin. Maliit lamang ang kanilang mga bahay na gawa sa mud bricks na tinuyo ng araw, ang bubong ay gawa sa clay tiles at ang mga bintana ay maliliit lamang na ginamitan nila ng wooden shutters.
Ang palasyo ng Olympus ay medyo malayo sa bahay ng mga tagapagsilbi. Malaki ito at gawa sa bricks at semento ang mga dingding, ang pintura ay ginto at puti na nagpapakita ng karangyaan ng kung sino man ang tumitira sa loob nito. May malawak na hardin sa harapan ng palasyo na napupuno ng mga iba't ibang bulaklak na sa Olympus lang makikita. Kahit malayo ito sa tirahan ng mga tagapagsilbi dahil malaki ito malinaw na makikita mo parin ang kabuuang itsura nito.
Ang ibang mga Gods at Godesses ay nakatira sa iba't ibang parte ng Olympus katulad ko kadalasan mas gusto nila ang mapag-isa at tahimik na mamuhay na walang gagambala sa kanilang mga ginagawa.