Chapter 16

5 0 0
                                    


"Mukhang ang laki ng problema mo sakaniya ah." Napansin ni Metis ang inis na reaksiyon ng mukha ko at hindi ko naman tinago iyon sakaniya.



Maybe this is what I need. Someone who would listen to my rants baka maging maayos ang pakiramdam ko kapag nag-open up ako sakaniya. After all isa siya sa  mga nilalang na maituturing ko na parang isang matalik na kaibigan.



Kaibigan? Sa pagkakatanda ko wala sa diksyunaryo ng mga Gods at Goddesses ang salitang iyan sapagkat sa mundo ng mga immortal sarili mo lang ang iyong mapagkakatiwalaan at maasahan.



Hindi ko na maalala kung kailan naging malapit ang loob namin sa isa't isa at ngayon na nagkita kami pagkalipas ng mahabang panahon hindi ako sigurado kung ano ang mga nagbago sakaniya at kung ano ang nangyari.



"Hey Hera?  Sumagot ka naman kanina pa kita tinatawag ah, ang lalim naman ng iniisip mo."



Napansin ko nalang ang sarili ko na nakatulala sa mukha ni Metis at inalis ang kaniyang kamay sa harap ng mukha ko.



Bakit ko nga ba pinag-iisipan ng masama si Metis eh si Zeus dapat na walang ginawa kundi ang mangbola at mambabae sa harap ko pagkatapos niyang magsabi ng kung ano-ano ang dapat kong problemahin.


Huminga muna ako ng malalim bago ko napagdesisyunan na sabihin  ang bumabagabag saakin nitong mga nakaraang araw.



"Ginugulo niya kasi ang isipan ko." 



Metis nodded her head urging me to continue.



Saglit akong huminto at iniisip kung ikukuwento ko ba sakaniya ang totoo kong nararamdaman. Hindi ako sanay ng may nakakaalam ng mga naiisip ko.



Ang tagal ng panahon kasi na sarili ko lang ang inaatupag ko kaya nakakapanibago na may pakialam pala ako sa ibang bagay bukod sa sarili ko lang.



"Magsasabi siya na mahal niya ako pero aalis din at makikita ko nalang siya na may kasamang ibang babae."



"Anong nararamdaman mo para sakaniya?"


Napayuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. 


"To be honest hindi ko din alam. Pinipigilan ko nalang ang sarili ko na mahulog sakaniya dahil alam kong sa huli ay ako lang masasaktan kung emosyon ko ang paiiralin ko." 


"Im proud of you Hera." Napatingin ako kay Metis at nakangiti siya sakin. "Guys like him don't deserve a Goddess like you."

His Forbidden WaysWhere stories live. Discover now