Pagbalik ko sa haven ko ay nagulat ako na umaalon ang tubig sa infinity pool ko tila may nilalang na lumalangoy dito.
May nang trespass nanaman sa haven ko? Napasapo nalang ako ng noo ko.
Naglakad ako palapit sa pool at tumayo sa dulo nito at hininintay na makalapit saakin ang nilalang.
Pinaningkit ko ang mga mata ko at agad na nakilala ang likod ng nilalang na nang trespass at lumalangoy pa sa pool ko.
"What the hell are you doing here Sei?"
Umahon ang kaniyang ulo at pinatong ang kaniyang mga braso sa poolside at ngumiti saakin.
"Ang tagal mo bumalik Goddess of Marriage and Childbirth."
"Are you mocking me?" Tinaasan ko siya ng kilay.
He played with his lips rubbing it softly with his thumb. "Maybe."
I crossed my arms and shifted my weight dahil nangangalay na ako.
"How come you're the Goddess of Marriage and Childbirth but you're not married and doesn't have any kids? It's so ironic you know."
Mas lalo akong naasar sa nalilito niyang mukha dahil alam ko na peke naman iyon.
"Mind your own goddamn business Sei." Inirapan ko siya at naglakad na papasok sa bahay ko dahil naiinitan na ako sa coat na suot ko.
"By the way Hera I like the color of your panties it's pink thanks for the nice view earlier."
Nilingon ko siya at tinapunan ng fireball pero dahil nasa tubig siya ay mabilis na naprotektahan niya ang kaniyang sarili. He then laughed so hard dahil nabigo akong makaganti sakaniya.
Kaya pala hindi mawala ang ngisi niya kanina dahil nakikita na pala niya ang panty ko.
Hindi ko alam ah pero baka nasa dugo na nila ang pagiging manyak I wonder if Hades is like that too. Kapatid din naman nila ako pero hindi ako manyak.
Nagpunta ako sa kuwarto ko at iniwan ang coat sa closet ko at bumaba sa kitchen upang mag bake ng cookies. Hinayaan ko lang si Poseidon sa swimming pool.
Pinalabas ko ang mga ingredients at tools na gagamitin ko sa pagbake at nilagay sa countertop.
Kinuha ko ang butter at nilagay sa microwave para matunaw at ng matapos ay nilagay ko sa malaking bowl at hinalo ang asukal. Nilagyan ko din ng itlog, vanilla, chocolate chip, flour, baking soda, at kaonting asin.
Hinalo ko ito gamit ang mixer hanggang maging dough at kumuha ng hugis puso na lalagyan para masunod ng cookies ang hugis nito.
