Chapter 7

7 3 0
                                    


"Zeus."


Napatayo ako sa gulat nang makita ko siya sa likod.


Naglakad siya palapit sakin habang hindi binibitawan ang masama niyang tingin.


Problema nito?


Magsasalita pa sana ako ng makalapit na siya saakin ngunit nilampasan niya lang ako at dumiretso sa swimming pool kung nasaan si Poseidon.


Nilingon ko silang dalawa at napabuntong hininga nalang.


Nagpalabas ako ng usok na magsisilbing proteksiyon ko at ng bahay ko mula sa away na magaganap. It is a barrier that prevents any magical power to penetrate it.


Mahirap na baka madamay pa ako.


Umupo ako ulit sa sun lounger at kumuha ng cookies sa pinggan. 


I crossed one of my leg in front of the other habang nakatingin sa kabilang barrier and just enjoyed watching the fight.


Si Poseidon ay nakalutang na sa ibabaw ng swimming pool habang nakapalibot sakaniya ang maliliit na tubig na naghugis pabilog while Zeus is standing on the edge of the pool glaring at his brother.


"Bakit ka nanunugod bigla kuya?" Naiirita niyang tanong hinihimas pa ang kaniyang ulo.


Mahinang natawa ako ng makita ang pasa sa noo ni Poseidon, doon siya siguro tinamaan ng kidlat kanina kaya tumilapon. 


Baka magkaamnesia nga siya kapag patuloy na inaatake ang ulo niya.


"You're touching what's mine."


"Yours? You don't own anything here."


Poseidon smirked at his brother kaya mas lalong nagalit si Zeus.


Sa galit ay tinapunan niya ito ng maraming kidlat na agad namang naiwasan ni Poseidon gamit ang bolang tubig kaya ni isa ay walang tumama sakaniya.


Nag anyong kidlat si Zeus at mabilis na sinugod si Poseidon at sinipa nito ang kaniyang tagiliran dahil hindi niya ito inaasahan ay hindi siya nakailag at bumagsak sa tubig.


Bago pa makaalis si Zeus sa ibabaw ng swiming pool ay nakagawa na ng whirlpool si Poseidon at nilamon nito ang kaniyang kapatid at nagpaikot ikot ito sa tubig.


Sayang yung tubig sa swimming pool ko yung iba kasi lumalampas na at napupunta lang sa lupa.


Nagbara ang kinakain kong cookies sa lalamunan ko kaya tumayo ako at kumuha ng juice sa kusina.




Pagbalik ko ay wala na ulit lamang tubig ang swimming pool at ang dalawang nilalang na nag-aaway kanina ay parehos na nakahiga sa gitna nito.

His Forbidden WaysWhere stories live. Discover now