Chapter 15

8 1 0
                                    


Bumalik si Apollo dala ang isang kahon ng gamot.


Ngumiti ako sakaniya at hindi nalang pinahalata na may nangyari kanina.


Inilagay niya ang kahon sa ilalim ng mesa saka nagsalita. "Anong gusto mong kainin?"


Napaisip naman ako ng gusto kong kainin. Right now I don't crave anything nawala ata ang gana ko ng makita si Zeus at ang bagong babae niya.



May saltik ata iyon sa ulo. Ang daming sinasabi hindi mo naman malalaman kung seryoso ba kaya siguro madaming nahuhumaling sakaniya at nagpapauto.



Mabuti pa to si Apollo.



"Pasta. I want to eat pasta meron ba sila niyan?" tanong ko na nag-aalinlangan. 



Hindi ako sigurado kung sagana sila dito ng pagkain dahil kadalasan kasi inaalay ng mga tagapagsilbi o ng mga tao ito sa aming mga Diyos at Diyosa.



"Oo naman. Sandali lang at sasabihan ko sila."



He walked away again at napabuntong hininga nalang ako.


Kanina pa to dumudugo ang sugat ko baka maubusan na ako ng dugo kung hindi pa niya ako gagamutin.




Hinanap ng tingin ko si Apollo and I saw him happily talking to a middle aged lady that looks like the owner of this place.



Sa tindig at tawa niya habang sila ay nag-uusap mahahalata mo agad na sobrang gaan ng loob nila sa isa't isa. Matagal na siguro silang magkakilala dahil malapit lang din naman dito ang pinagkukuhanan ng supply ng gamot ni Apollo.



Sa layo ko ay hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila at hindi ko din alam kung paano magbasa ng sinasabi ng bibig.



Nang mapansin ko na tapos na sila sa pag-uusap ay inayos ko agad ang pagkakaupo at tumingin sa harap.



"Ang sabi ni aling Betty ganda mo daw." Naglakad na siya at inayos muna ang damit bago umupo sa silya sa harapan ko.



"Talaga?" gumaan ang pakiramdam ko kaya napangiti ako.



"Oo kaya sabi ko agad hindi naman  baka hindi ka lang niya napagmasdan ng maayos." nagkibit balikat pa siya at ngumisi kaya mas lalo akong nainis.


"Baka gusto mong mamatay ng maaga sabihin mo lang." kalmado kong sabi.


His Forbidden WaysWhere stories live. Discover now