Ang pagpunta ko sa majestic lagoon ni Poseidon ay nakatulong din naman para mas malinawan ako sa mga nangyayari ang hindi ko lang gusto ay ang kailangan ko pa maglakad ng malayo para makalabas dito.
His lagoon was sacred because it is owned by a God hindi pwedeng pasukin ng kung sino lang kailangan may permiso niya.
It is surrounded by a protective shield dahil maraming kalaban ang naghahanap sakaniya. No one can directly teleport inside the lagoon because you can't pinpoint the exact location.
Nang makalampas ako sa dalampasigan ay tinahak ko ang daan papunta sa gitna ng gubat.
Ngayon lang ako ulit nakalabas sa haven ko kaya napagpasiyahan ko nalang mamasyal at libutin ang ibang bahagi ng Olympus.
Habang naglalakad ako sa loob ng gubat mas napansin ko ang kapayapaan nito.
Ang mga ibon na umaawit at ang iba ay malayang nakakalipad sa himpapawid. Mga paru-paro na nakadapo sa mga bulaklak ay biglang lumipad at nakapalibot na saakin.
Tinaas ko ang aking kamay at may dumapo na kulay pulang paru-paro sa daliri ko agad akong napangiti at pinalibot ang tingin sa gubat.
Ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang sariwang hangin na nalalanghap ko.
Nakalimutan ko na ang pakiramdam na ito. Appreciating the nature is relaxing at nagpapakalma pa ng isip.
A breath of fresh air.
Pagmulat ko ng mata ko agad kong nakita ang isang kabayo namangha ako sa itsura nito pero ang nakakuha ng pansin ko ay ang kulay niyang kakaiba.
Ang kulay ng mane o ang buhok niya ay pink na may highlight na gold ganon din ang buntot nito at ang katawan ay nababalot ng puti the hoofs are also pink.
Nagpalabas ako ng kaonting puting usok sa kamay ko na naghugis at paglipas ng ilang segundo ay nakagawa ako ng sariwang carrot na pwedeng ipakain sa kabayo.
Dahan dahan ko itong nilapitan at hinayaan ko munang masanay siya sa amoy ko at ng naramdaman kong komportable na siya saakin ay inalok ko na ang carrot na hawak ko, hindi naman ito nagdalawang isip na kainin.
Nagpalabas ulit ako ng puting usok at gumawa na ng isang basket na puno ng carrots. Habang kumakain ang kabayo ay hinihimas ko ang leeg nito.
"Do you want to come with me?" I smiled as I tried to talk to it.
"neeeeeeiiiiigggghh." I think it means yes.
"Do you have a name?"
Patuloy ko parin hinihimas ang leeg niya habang nagiisip ng pangalan.