Chapter 5

6 2 0
                                    


The next morning came and I did my usual routine which is doing yoga to make my body fit and to maintain my curves.


Kinuha ko ang foam mat ko na gray sa kwarto at dumaan muna ako sa kitchen at naglagay ng tubig sa baso para may iinomin ako mamaya kung sakaling mauhaw man.



Pumunta ako sa garden ko at nilapag ang mat sa harap ng infinity pool at iniwan ang baso ng tubig sa coffee table sa gilid.


Nagsuot lang ako ng itim na leggings at isang white na bralette ang mahaba kong gintong buhok ay itinali ko para hindi sagabal dahil medyo mahangin ngayon dito sa labas.


I inhaled and exhaled deeply bago nag umpisa.


Nilagay ko sa unahan ang isa kong paa at nag bend ng kaonti at tiningnan kung hanggang saan ko kayang iextend ang paa ko para mastretch ang mga muscle ko sa hita at nang makahanap ng komportableng balanse ay maingat na ginalaw ko ang katawan ko pakanan at kaliwa.


I crossed my arms sa harapan ko dahil nakakatulong ito para hindi ako matumba and I also did the same thing with my other leg.


Nagbuntong hininga ako ng malalim and I tried to do fifty squats at pagkatapos ay napuno na ng pawis ang noo at leeg ko ngunit hinayaan ko lang iyon at nag plank for a minute.


Napuno na ng pawis ang katawan ko kaya nagpahinga nalang ako at napagdesisyunan na sa ibang araw ko nalang gagawin ang iba ko pang yoga poses.


Masiyado akong napagod ngayon I'm clearly out of shape dahil siguro sa stress ko sa nalipas na araw hindi ako makapag meditate dahil maraming gumugulong katanongan sa isip ko but I should remain calm and collected.


Tumayo ako mula sa mat at naupo sa coffee table nakalimutan ko pala ang towel ko sa loob kaya ininom ko nalang ang baso ng tubig.


Pagkatapos magpahinga ng ilang minuto ay napagdesisiyonan ko nang maligo at para makapagbihis.



The Narcissus flower na kinuha ko kahapon ay nakalagay lang sa isang box na gawa sa crystal na may kaonting tubig. 


Nakalimutan ko pala na namitas ako ng mga bulaklak upang may maidagdag sa garden ko.


Kinuha ko ito at dinala sa garden at ngayon ay hindi ko na alam kung saan ko ito ilalagay. Napadako ang tingin ko sa bukana ng lagusan papasok sa garden ko. 


Ang lagusan ay hugis pabilog at nakalutang lamang sa ere at malapit ito sa mga halaman na nagsisilbing dingding na paikot sa haven ko.


Agad namang may ideyang pumasok sa isip ko. Dinala ko ang mga Narcissus flower palapit sa lagusan at sinimulang idikit ito sa gilid nito sinusunod ang pabilog nitong hugis. 


Nang matapos ay pinagmasdan ko ito sa malayo.


His Forbidden WaysWhere stories live. Discover now