Chapter 13

6 1 0
                                    

Months had passed but there was no sign of Zeus.

Ang sabi niya babalik siya ilang araw lang dahil may aayusin.

Sana hindi nalang ako umasa na tutuparin niya ang kaniyang pangako.


Bakit ako umasa? Dahil akala ko nagbago na siya akala ko mapagkakatiwalaan ko siya.


Hindi ko alam kung bakit parang big deal sakin ang pagsira niya ng pangako. I should  not care kung anong mga ginagawa niya sa buhay.


Exactly 3 months had passed nagpatuloy lang ako sa buhay ko na walang nanggugulo na Zeus wala nga siya pero nandiyan naman si Sei na pumalit sa pang iinis sakin.



I don't mind though dahil nakakatulong din si Sei para mawala sa isip ko si Zeus. He keeps my mind busy with his nonsense jokes.


Ngayong araw ay napagdesisyonan ko na lumabas ng haven ko. Ayoko munang makita ang pagmumukha ni Poseidon at marinig ang mga waley niyang jokes.


I wore my ankle white boots at isang maxi dress na kulay pastel brown at may white ribbon sa bewang na nagdepina ng maliit kong bewang.


The upper part of the dress has small puff sleeves and has deep V-neck cut. I fixed my hair into an elegant braid and I left small strands of hair in front and I wore a butterfly designed  golden crown around my head to complete my look.



Nang matapos sa pagaayos ay bumaba na ako at agad na pinuntahan si Raze.



Pagdating ko sa maliit na stable ni Raze ay nabaling sakin ang kaniyang paningin. He was eating when I saw him tumingin lang siya saglit sakin at binalik ang atensiyon sa kaniyang pagkain.


Lumapit ako at marahang hinimas ang kaniyang ulo para hindi siya madisturbo sa pagkain.


"Your name shouldn't have been Raze. Naalala ko tuloy siya dahil sayo."


Kinagat ko ang ibabang labi ko ng naalala ang rason kung bakit Raze ang ipinangalan ko sakaniya.


Looking back at that moment he was on my mind maybe that's why I named him after him.


The last two letters of my name and the first two letters of his name and that would be Raze.


Crazy right? Hindi ko alam kung bakit ko iyon naisip pa. Maybe I liked the idea of him being a part of my life even if he's really not.


Ang sabi ko ayokong mahulog sakaniya pero lagi akong nadadala ng mga mapupusok niyang halik.


Love isn't all about the kiss it's just a bonus kung magaling siya pero ang nararamdaman ko ngayon para sakaniya ay nasisiguro kong hindi pagmamahal.

If it's not love then maybe it's just lust.

Tumango tango pa ako sa naisip ko. Binalewala ko nalang iyon at tinuon ang pansin kay Raze na nakatingin sakin na parang nabaliw ako dahil kausap ko ang aking sarili. Tapos na siyang kumain at nakatingin na lamang sakin.


I rolled my eyes at binuksan na ang maliit na pinto para makalabas siya. Kinuha ko ang bridle at sumakay na sa kaniyang likod at umupo sa saddle.


Iginiya ko siya palabas ng lagusan at nalanghap ko nanaman ang hangin sa labas ng haven ko.


Ngayong nasa labas na ako ay hindi ko alam kung anong gagawin ko o saan ako pupunta.


"Saan mo gustong pumunta Raze?"


Tumigil siya sa paglalakad at inilingon ng bahagya ang ulo sa isang direksiyon. Sinundan ko iyon ng tingin at napabuga nalang ng hangin.


His Forbidden WaysWhere stories live. Discover now