2

105 7 2
                                    

two: behind closed doors

"WE ARE HAPPY TO WELCOME YOU TO THE RED AND WHITE. YOU CAN START TOMORROW WITH YOUR DESIGNATED OFFICE."

I just got accepted. Dapat masaya ako, eh. Pero...

Paano ko haharapin 'yung boss ko kung may nangyari sa'min? Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang mga kamay ko. 

"No, I can say na hindi ko naalala 'yon. Lasing ako, 'di ko alam na nangyari 'yon." I convinced myself. 

Magta-trabaho na ako bukas pagkatapos kong makipag sex sa CEO. Shit.

Natulog na lang ako at hindi ko hinayaang mag overthink ako. Pagkagising ko ay nagluto ako ng breakfast. Plinano ko na sa utak ko ang script ko kung sakaling magtanong siya.

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako at nagmaneho papuntang trabaho. Kabado pa rin ako. Hindi ko rin alam kung saang floor ang office ko. 

Pagka-park sa parking ng company, huminga ako ng malalim bago lumabas. Napatingin ako sa kakadating lang na sasakyan at nanlaki ang mata nang makitang lumabas si sir Levin. Nagkatitigan kami bago ako nag iwas ng tingin.

Sandali lang naman, Lord. Kakadating ko lang sa trabaho eh. Nauna akong naglakad, nakasunod lang siya sa'kin. Hindi na lang ako mag-eelevator kung kasabay ko siya, mas gusto ko pang mag stairs. 

Tumigil siya sa harap ng elevator kaya pumunta ako sa stairs at naglakad. Kinuha ko ang phone ko para kunwari ay may ginagawa ako. Nang mawala siya sa tapat ng elevator ay nakahinga ako.

Napakapit ako sa dibdib ko. Diyos ko, akala ko katapusan ko na kanina eh. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa front desk.

"Hello... Hello, ate. Anong floor po ito?" Pinakita ko ang e-mail ng company kung saan ang office ko. Tinignan niya ako bago bumalik ang tingin sa cellphone ko.

"Kayo po pala bagong attorney namin. Welcome po, may maga-assist po sainyo sa buong building para maging familiar po kayo." Ayos, feeling VIP nanaman ako.

"Tawagin ko lang po," Tumango ako bago siya hinayaang tawagan ang maga-assist sa'kin. Ilang minuto ay may dumating na isang babae kaya umayos ako ng tayo.

"Hello, miss Kim. I'm Helena Rizu, HR." Nakipag kamay ako bago nag bow.

"Nice meeting you po." Ngumiti siya. Inikot niya ako sa buong company. Magkahiwalay pala ang company at ang winery ng The Red and White. Pinakilala niya din ako sa ibang mga head managers at ibang personnel.

"And lastly, this is your office." Napatingin ako sa pinto ng office ko. May pangalan na ako agad do'n. Napatingin ako sa katabi kong office.

Levin Kyrell Goncaves
CEO 

Putangina naman. Hindi ako nakikipagbiruan ngayon, Lord. Bakit naman ganito?

"Ah, magkatabi po talaga ang office ng CEO at tsaka ng lawyer dahil mas madalas silang mag trabaho." Napatingin ako kay ma'am Helena. Madalas mag trabaho? Gago? Kailan pa 'yon?

"Ah... Okay po, thank you po, ma'am." Nag bow ako bago siya umalis. Pumasok ako sa office ko at tinignan ang kabuuan nito. Maayos naman, malinis, may table at swivel chair, may sofa rin at mga shelves.

"Ay tyanak!" Napapitlag ako nang bumukas ang pinto ko at pumasok si ma'am Helena. Tinawanan niya ang expression ko bago ako binigyan ng ilang papers na pwede kong gawin ngayon.

Ginawa ko na agad, syempre. Ayokong may inaalala sa gabi. Konti lang naman kaya ginawa ko na. Pagkatapos ay inayos ko lang ang office ko. Kailangan ko ng mga decorations. Bibili na lang ako kapag day-off.

Cityscape (Sky Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon