12

59 4 6
                                    

twelve: batangas and chaos

NAG ENJOY KAMI SA VIGAN NANG SOBRA. Kung saan saan kami pumunta bago binisita ang winery. Kakauwi lang namin no'ng  isang araw at ngayon ay tumawag si Mari na nandito na daw sa Pinas si Akeisha. And of course, I need to go. Pagkatayo ko ay saktong pumasok si Levin. Kumunot ang noo niya bago ako tinaasan ng kilay.

"Saan ka pupunta?" He pointed me.

"May lakad kami ng mga friends ko. Don't wait for me for dinner." I smiled. He pulled me for a kiss.

"Okay, ingat. Call me if you need anything." He stared at my eyes for a moment before kissing me again. I smiled before going to the parking. Good thing my car is here.

"Hello, gago nabalitaan mo na? Akeisha's here!" Narinig ko ang tili ni Carina sa kabilang linya.

[Oh my God, she is? Oh yeah, Mari texted me to meet at the mall.] She's as excited as me.

"Gusto mo sunduin kita?" She chuckled.

[Nope, matagal pa ako. Go on.] She bid her goodbye before ending the call. Pagkarating sa mall ay dumaan muna ako sa isang toy store at bumili ng doll para sa kaniya.

"Hello, saan na kayo? Saan magkikita?" I called Mari after I got our of the store.

[The Rose Restaurant, come here. Nandito si Aster.] Aster? Asteria? Asteria Alexandra?

"Himala, okay." Binaba ko ang tawag bago hinanap ang The Rose na restaurant. Good thing dito lang sa floor kung saan ako bumili kaya hindi na ako nag escelator.

"Hi!" Bati ni Mari bago tumayo at bumeso. Bumeso rin ako kay Asteria.

"No'ng sinabi ni Mari na nandito ka, bigla akong naniwala sa himala." Binatukan ako ni Asteria.

"Gaga, bawal ba maging maaga? Kasalanan ba? Gago." Pinakyuhan niya ako. Hindi pa pala sila umo-order kaya kinuha ko ang menu at tumingin.

"Puro sweets, amp. Guilty pleasure nanaman." Bulong ko. Napatingin sa'kin si Mari bago ngumiti.

"You should try their chocolate pudding, I tell you, it's awesome." She tried but I won't. Umiling ako.

"I'll take the sala-"

"Yuck, ano ka, kambing? Meh, meh, meh?" Asteria mockingly asked.

"Walang salad, mag steak tayo tapos cake for dessert, ice cream din." Nag apir si Asteria at Mari. 

Ilang minuto ay pumasok si Carina. Nag kwentuhan kami saglit bago dumating sila Gia at Aiane kasama si Akeisha. Tumayo kami agad para salubungin si Akeisha.

She's so grown up.

Nag kwentuhan kami bago nagplano para sa birthday ni Akeisha. Pupunta kaming Batangas, yay. Kaso, hindi ko alam pa'no magpaalam kay Levin.

May ilang linggo pa ako bago magpaalam. Keri lang 'to, ako pa. Magaling ako.

Nang matapos ay umuwi ako agad, hello, saan pa ba ako pupunta? Gusto ko sana mag aya ng clubbing kaso meron si Akeisha tsaka malalim na ang gabi. Pagkauwi ko ay naabutan ko si Levin na nasa sala, nanonood.

"Oh, akala ko tulog ka na?" Tanong ko bago nilapag ang bag ko sa counter. Umiling siya bago tumayo at sinalubong ako ng yakap.

"Hinihintay kita." I pursed my lips before smiling.

"Kamusta lakad niyo?" Ngumiti ako.

"It was fine. Oh, magpapaalam ako for work para sa katapusan." Kumunot ang noo niya. I smiled.

"Magva-vacation kayo?" Umiling ako bago umupo sa high stool, umupo din siya sa harap ko.

"Ano, pupuntahan ko 'yung lola ko sa probinsya. Oo, sa probinsya." Baka sumama nanaman siya eh. Tinitigan niya ako bago tumango. I clapped my hand before sitting next to him sa sala.

Cityscape (Sky Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon