21

56 2 8
                                    

twenty-one: birthday boy

"HI,"

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Napalunok ako bago binalik ang tingin sa sahig at nilaro ang mga daliri.

"Kilala mo pa ba siya? Si Snow?" Tanong ni Carina kay Levin. Hindi ko nakita ang reaksiyon niya dahil nakatungo ako.

"Anyway, happy birthday!" Bati nito bago ako hinila. Hinawakan ni Carina ang baba ko, nahalata niya atang kinabahan ako.

"Girl, ito na ang chance mo! Gaga ka, go talk to him." Umiling ako bago umupo sa sofa, umupo din siya at tinignan ako.

"Maybe this is not a good idea, uuwi na lang ako-"

"Hey," Napatingin ako kay Levin na nasa harap namin. Napalunok ako bago tumingin kay Carina na nakangiti.

"Iwan ko muna-"

"'Wag," Bulong ko kay Carina at pinigilan siyang tumayo. Tinignan ko si Levin bago binalik ang tingin kay Carina.

I can't even meet his eyes again.

I don't want to look at him for too long, naco-conscious ako sa sarili ko. Hindi naman ako naiinsecure, nahihiya lang ako.

At nagu-guilty.

"Tawag ka pala ni Yzriel." Napakagat ako sa labi ko nang magsalita si Levin. Lumalim boses niya, mas nag mature. 

"Ah gano'n ba? Sige, kayo muna ha?" Nagmakaawa ako kay Carina na 'wag muna ako iwan kaso umalis na din siya. Naiwan kami ni Levin sa sofa, nakatayo siya habang ako ay nakaupo at nakatingin lang sa mga kamay ko.

"Ahem," He cleared his throat. Napatikhim ako.

"We should go somewhere... private." Huminga ako ng malalim bago tumango. Nauna siyang naglakad kaya tumayo ako at sinundan siya.

"Huh? Ate Snow- ATE SNOW!" Lexi jumped on me. Napangiti ako dahil doon.

"Ang tangkad mo na," I commented and she giggled.

"Oh, you changed your hair. I thought I saw you earlier at the mall but I guess it's not you." It's me. It was me. Gusto kong sabihin na ako 'yon kaso hinayaan ko na lang.

"Uhm... How have you been? How's college?" She smiled. Tinignan ko si Levin na nakapamulsa at nakatingin lang sa'min. Nang magtama ang mga mata namin ay umiwas ako agad bago nag focus sa sinasabi ni Lexi.

"It was so stressful! I'm taking law, ate." Tumango naman ako.

"Good to hear, madaming babasahin sa law school next year." I teased. She groaned which made me laugh.

"Ugh! I hate reading!" Nagdabog siya na parang bata.

"Bakit ka pa nag law kung ayaw mo magbasa?" She pouted.

"Well, I wanted to... I wanted to be like you." I pursed my lips to stop smiling. Bahagya kong ginulo ang buhok niya.

"Don't be like me. Be better than me." I smiled at her. She jumped for a hug again.

"It's so good that you're back. Because..." Tumingin siya kay Levin bago lumapit sa tenga ko.

"Aesia has been bugging kuya nonstop-"

"Okay, that's enough. I'll steal her for a minute." Hinatak ako ni Levin pataas sa second floor. Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa pupulsuhan ko. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para iwasang ngumiti.

Nang makarating kami sa second floor ay binitawan niya din ako agad at tumikhim. Inayos ko ang buhok ko habang lumilinga.

"Shouldn't you be downstairs and assisting your visitors?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang balcony.

Cityscape (Sky Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon