22

42 3 10
                                    

twenty-two: to be back home

HINDI AKO NAKATULOG NANG MAAYOS BUONG GABI. We didn't cuddle, though. At nasanay ako na niyayakap niya ako.

Kasalanan niya kung bakit.

Nauna akong nagising kaysa sa kaniya kaya naghilamos ako. Tinapik tapik ko muna ang mukha ko para kumalma. Tumingin ako ng bagong damit sa CR, buti  at mayroon kaya nagpalit ako.

Pagkalabas ko ng CR ay hinanap ko ang cellphone ko, nakita ko ang text ni Nicollo kani-kanina lang.

To: Nicollo <3
WELCOME HOME, SNOWY!

Mahina akong natawa bago nag reply. Binalik ko ang phone ko sa bag bago bumaba sa kusina. Nahihiya pa ako sa mga katulong na nakakadaan ko.

"Ate Snow! Good morning!" Lexi's voice is very energetic. Luminga linga ako sa kusina. Siya lang ang nandoon na naka ayos, papasok sa school at isang maid na nagluluto.

"Wala na ba mga bisita niyo sa guest room?" Naco-conscious talaga ako sa itsura ko. Kumunot ang noo niya bago kumagat sa toast niya.

"Huh? Wala naman kaming visitors na natulog dito." Kumunot din ang noo ko.

"Eh sabi ni-"

"Oh, good morning, Lexi, Snow." Ngumiti ako kay tita Mich. Pinaupo niya ako kaya nahihiya akong umupo at inabutan pa ako ng tsaa.

"Would you like to have breakfast-"

"Ay tita, hindi na po. Bumaba lang po ako para magpaalam, ayos lang po-"

"I insist, eat first before going." Napakagat ako sa labi ko bago tumango. Ngumiti naman siya bago tumabi sa kasambahay na nagluluto at tumulong. Gusto ko din sanang tumulong kaso dinaldal ako ni Lexi.

"So, ate, I'm guessing you slept in kuya's room since he's asking for spare clothes." Tumango ako. Makahulugan siyang ngumiti.

"Did something happened...?" Umiling ako bago tumawa. She pouted.

"Bakit wala? Sayang?" She muttered. Ako din, Lexi. Nag eexpect din ako na may mangyayari, sayang talaga 'no?

Napatingin kami sa labas nang may marinig na busina ng sasakyan. Inayos ni Lexi ang bag niya bago kumagat sa isang toast.

"Og gosh, I need to go. Bye, mom. Ate Snow, let's hang out soon." I smiled before nodding. Lumabas naman na siya kaya naiwan kami ni tita Mich.

"Ang bait talaga ni Kenneth," Ngumiti ako sa sinabi ni tita. Uminom ako sa tsaa ko habang nagmamasid sa paligid.

"How are you these past few months, Snow?" Napalunok ako sa tanong ni tita. Pinaalis niya ang kasambahay kaya kami na lang ang nasa kusina.

"I've been fine, tita. Kayo po? How are you?" I don't want to be rude to his mother. 

"Oh, I've been fine. After Lorenz left, everything was at peace." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"How did you and tito broke up...?" Mahina kong tanong. She didn't answer for a second kaya nag panic ako.

"Sorry for asking po, tita. You don't need to answer-

"He cheated on me with my best friend, and she's pregnant with their baby." Napakagat ako sa labi ko.

"I'm sorry, tita." She smiled.

"It was the same time you left as well, Levin had a hard time adjusting and everything. I always feel bad for him." So 'yun pala ang dahilan no'ng sinabi niya na he was also having a hard time. Napatungo ako at tumingin sa tsaa.

Cityscape (Sky Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon