Kabanata 8

31.1K 1.3K 841
                                    

Otherwise




"Here's our contact details, Ma'am."


Tinanggap ko ang inilahad na calling card ng residential agent. I nodded at her.


"I'm still looking out for the best option but you can expect to hear from me once I made up my mind," I formally said.


She smiled and told me that it's fine to take my time. Hindi naman nagtagal ay nagpasalamat na rin ako at umalis.


I'm planning to buy a house but I'm still not sure if I will take a pre-designed one or not. Iniisip ko pa kung mas maganda bang lupa na muna ang bilhin atsaka na lang kumuha ng mga propesyonal na magdidisenyo. I'm not in a hurry though, so I guess I can take things slow in terms of decision-making.


Habang nagmamaneho pauwi ay tumama ang tingin ko sa gym bag na nakapatong sa passenger's seat. Bigla ko na naman tuloy naalala ang nangyari kanina. Napailing-iling ako habang iniisip ang pagkatulala ko sa papalayong pigura ni Ace.


So that explains his reactions over my recent advances, huh? He thought I was taken but still flirting? Well, come to think of it. He did saw me with Caleb one time...


Napapikit ako nang mariin. Ang tanga ko naman. I should have known! Of course he'll think that way.


Humigpit ang kapit ko sa manibela. Nevermind. Ang mahalaga ngayon ay alam ko na. Kahit papaano'y may ideya na ko kung bakit ganun ang naging pakikitungo niya sakin gayong ayos naman kami nung una.


Well.. that can still be a good thing, right? As I try to think of it, basically, hindi niya naman sinabing ayaw niya sakin. Sadyang napangunahan lang siya ng kaisipan na hindi kami pwede. I grinned at my mind tricks and illusions. Yeah, whatever. Let's just think of it that way.


Right now, my mission is to correct his misconception. Kailangan kong klaruhin sa kaniya na mali ang iniisip niya.


I nodded in conviction. Tama, ganun na nga.


Kaya naman sa sumunod na araw ay buo ang loob ko na pumunta sa gym. Mas inagahan ko pa nga ang punta kumpara sa normal na oras para lang siguraduhing masasabayan ko siya. Baka kasi mauna na naman siya at matapos agad.


"Cardio circuit na ulit for today," Rian said.


Nasa harap ko na siya ngunit patuloy ang paglibot ng mata ko. Pilit hinahanap ang pamilyar na tindig. Ngunit bigo. Wala pa si Ace.


I shrugged. Maybe I was just too early this time. Tinuon ko na lang muna ang atensyon sa workout para pagdating ni Ace ay makakabwelo na ko sa pagpapapansin sa kanya.


I finished doing burpees, crunches and squat thrusts. Pati push ups at plank ay natapos ko na ngunit wala pa rin si Ace.


Unti-unti nang kumukunot ang noo ko sa paglipas ng mga oras. Sinilip ko ang relo at napagtantong masyado na siyang huli kong pupunta pa siya ngayon.


I done my entire routine without any trace of Ace. I ended up going home feeling unhappy.


Pinilit kong isantabi ang panghihinayang na nadarama. Marahil ay abala lang ulit siya sa trabaho. Sigurado akong pupunta pa rin naman siya sa gym. Hindi ko lang alam kung kelan pero tiyak akong makikita ko pa rin siya roon.


Or... not?


Cause the following day, he still didn't go. And even on the next fucking day. And on the day after that as well. He's still nowhere to be found. Goddammit. He's skipping so much and I can't take it any longer.


Never DescendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon