Kabanata 21

30K 1.4K 437
                                    

Clear





I hate how my body is reacting. Nakakainis dahil kahit masama ang loob ko ay bumibigay pa rin ito sa munting paglapat lang ng balat namin.


Ginamit ko ang natitirang lakas para marahas na tanggalin ang braso niyang nakapulupot sakin. Kahit labag sa loob ay agad kong nilayo ang katawan sa kaniya. Talagang nagpupuyos ang damdamin ko. Dahil tangina, malandi lang ako pero ayokong maging kabit. Produkto man ako ng maling relasyon ay hinding-hindi iyon magiging dahilan para tularan ko ang kasalanan ng mga magulang ko.


Iritado ako nang humarap sa kaniya. Mataman siyang nakatitig sa mata ko.


"You're not answering my calls..." he stated the obvious.


Kusang umirap ang mga mata ko. "Pano mo nalaman na nandito ako?"


"Sana man lang sinagot mo ang mga texts ko-"


"Busy ako."


"Nagagawa mo ngang lumabas kasama ang mga kaibigan mo-"


"Pake mo ba? Eh totoo namang abala ako kanina,"


He sighed. "Telling me you're safe through text wouldn't even take a minute, Iris-"


"Ganon? Kailangan pala kitang i-update? Baket, ano ba kita?" I chuckled.


Natahimik siya at mariing napatitig sakin.


"May nagawa ba 'ko? Did I... do something to upset you?"


I sarcastically sneered.


He sighed. "Tell me, Iris. And stop rolling your eyes on me too much."


"Shut up. Wag mong pakialaman ang pag-irap ko." I glared at him.


"Can we atleast get out of here first? Mag-usap tayo nang mas maayos sa tahimik na lugar..."


"No." I can't be in a tahimik na lugar with you. Baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap na yan. Wala pa naman akong tiwala sa sarili ko pagdating sayo.


Bumuntong hininga siya. "Then tell me what's the problem, hmm? Please?"


Sinubukan niyang abutin ang braso ko ngunit iwinaksi ko iyon.


"Iris?" Luke suddenly appeared near us. "Ano yan? May problema ba rito?"


Huminto siya sa tabi ko at binigyan ng kahina-hinalang tingin ang kaharap ko.


"Kilala mo ba 'to?" Luke arrogantly asked before glancing at me.


I saw Ace's jaw clenched.


"Just... someone I used to fuck," dumilim ang tingin ni Ace sa sinabi ko.


"O, ginugulo ka?"


"Nah... let's just go, Luke." iniwas ko ang mata sa kaharap at hinigit na si Luke paalis dun.


"What was that... May ginawa ba sayo?" aniya sa kalagitnaan ng paghila ko.


"Wala. Nevermind,"


"Ba't parang galit sakin yun?"


Lumapit kami sa may counter at umorder ng drinks. Panay ang halakhak ni Luke sa kahit ano at hindi ko malaman kung may tama na ba o wala pa. Bumalik kami sa couch at naabutan na rin dun ang iba. Jess wasn't there so I'm guessing that he's still probably on the dance floor.


Never DescendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon