Kabanata 28

28.8K 1.2K 302
                                    

Favor




"Hilig mo talaga ang umalis nang walang paalam, ano?" Jess sarcastically sneered from the other line.


Umaga pa lang ngunit mainit na agad ang ulo niya. Dumapo ang mata ko sa naka-loudspeaker na phone sa lamesa na animo'y makikita ko roon ang iritadong mukha ni Jess kahit hindi naman talaga. Saglit na natigil ang pagtutuyo ko ng buhok gamit ang blower bago kalaunan ay nagpatuloy.


"Sorry.." I sighed.


Kahit hindi ko siya kaharap ay malakas ang pakiramdam kong napapairap lang siya sa paghingi ko ng tawad ngayon.


"Gaga. Stop saying sorry if you'll just repeat the same mistake over and over again. That doesn't make sense,"


"I know.." buntong-hininga ko. "I just don't know what else to say. I honestly just wanna apologize for making you guys worry again,"


Sa malumbay kong tono ay panandalian siyang natahimik.


"Ano ba kasing nangyari? Pagbalik ko sa couch kagabi, wala ka na raw sabi nila Polly. Todo hanap sayo sila Luke tapos bigla namang dumating iyong si Ace!" tumaas ang boses niya.


Nalaglag ang panga ko. So he did came.


"Y-you met him?"


"Obviously! Ni hindi ko pa nga alam nung una na siya na pala iyon kundi ko pa naalala yung sinabi mo na itsura pa lang niya, masarap na! Indeed! He looks super scrumptious even at first glance. I thought you were just overreacting with your descriptions of him but no. Your words didn't even do him justice! He's far more than his sexy ass-"


My face heated at his narrative. Hindi ko na napigilan ang paglipad ng imahinasyon. This talk is not helping!


"Jess, shut up? Balak mo pa ata siyang agawin sakin?" 


"Baliw. Ayaw mo palang maagaw pero tinatakbuhan mo? Make it make sense nga! Sa ginagawa mo, baka masalisihan ka talaga sa kaniya. What was that about last night anyway? Iniiwasan mo pa rin siya?"


"I was just.. caught off guard. Pakiramdam ko ay hindi pa 'ko handang makita siya ulit,"


"Alam mo para kang tanga. How did this even start again? Natatakot kang baka makipaghiwalay siya sayo kaya iniwasan mo? Stupid! Sa ginagawa mo baka matapos talaga ang relasyon niyo nang wala sa oras."


He nagged at me throughout the entirety of that phone call. It wasn't even ten in the morning yet but I already feel so drained. Bukod sa hangover ay mabigat din ang dibdib ko at walang kagana-gana sa katawan. Kung pwede lang na humilata na lang sa kama buong araw ay iyon na lang siguro ang gagawin ko. Ngunit dahil may appointment ako ngayon para sa isang clothing collaboration ay wala akong magawa kundi ang kumilos.

Never DescendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon