Kabanata 17

32.2K 1.4K 500
                                    

Purest





The air between us was never the same again after that.


Or atleast for me. That was entirely the case for me.


Parang gusto ko tuloy bawiin ang mga sinabi ko. That was way beyond the line. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at bigla akong naging sentimental kanina.


I mean... who am I even to him for me to say such heartfelt words? We're barely acquaintances who are only associated in bed.


Miski ang paraan ng pagkakasabi ko ng mga salita ay nakakahiya tuwing naaalala ko ngayon. Masyadong malamyos at puno ng sinseridad. Kinikilabutan at napapapikit ako nang mariin tuwing naririnig ko iyon sa aking isipan.


Habang nasa byahe tuloy ay halos hindi ako makatingin sa kaniya. Hindi pa rin regular ang tibok ng puso ko kaya't mas lalo lang akong naiilang. Idagdag pa na ramdam ko ang mabibigat niyang tingin paminsan-minsan sa gitna ng pagmamaneho. Natatakot tuloy akong sumilip sa bintana sa harap dahil baka magtama ang mata namin.


I cleared my throat in discomfort. Biglang sumagi sa isip ko ang naiwang sasakyan sa bar kagabi.


"S-sa Revel mo na lang ako ibaba," lunok ko. "Nandun yung kotse ko."


Hindi gumawi sa kaniya ang tingin ko habang siya naman ay hindi rin agad na sumagot.


"I can have someone bring it to your place. Ihahatid na kita pauwi,"


Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko na napigilang bumaling sa kanya.


Tuwid lang ang mata niyang nakadirekta sa gitna ng kalsada. Nang hindi pa rin ako nagsalita ay sumulyap siya sakin.


"Unless.. you still have somewhere else to go to..."


Wala naman akong ibang pupuntahan pero hindi agad ako nakasagot. Natikom ko ang bibig ko. Sa katahimikan ko ay hindi rin naman siya agad na nagsalita.


Inabot pa ng ilang sandali bago niya dinagdagan ang sinabi.


"Do you have to?"


Our eyes met in the rearview mirror. Umangat ang kilay niya sakin.


"May pupuntahan ka pa ba, Iris?"


Napalunok ako.


I can always choose to say yes. That way, I can get free from this heart-pounding situation. Pwede kong ayain si Jess na lumabas. O di kaya ay paunlakan ang paanyaya ni Sage kanina. Kahit ano para lang maiwasan ko na ang nag-uumapaw na presensya ni Ace.


Pero may ibang plano ata ang isip ko. Dahil taliwas ang lumabas na sagot sa bibig ko.


"W-wala na.."


Mula sa pagkakatitig sakin sa salamin ay unti-unti nang bumalik ang tingin niya sa daan. A hint of satisfaction registered on his eyes. Tumango siya.


"Mabuti kung ganon."


Hindi na ko nagkaroon pa ng lakas na magsalita buong byahe. I don't know where this ineptness is coming from. Siya naman ay mukhang normal lang. Bumuka lang ulit ang bibig ko nang tanungin niya sakin ang direksyon patungo sa tinutuluyan ko.


Nang ihinto niya ang sasakyan ay bumaling siya sakin.


"Let's Skype later tonight..." aniya. He picked up his phone from the dashboard. "Type in your username,"


Never DescendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon