Kabanata 18

32.6K 1.4K 415
                                    

Pineapple Juice
R-18: Contains slightly explicit scenes. Read at your own risk.



Jesse Louis:

Valkyrie daw mamaya


Jesse Louis:

sama ka?


Nang mabasa ang bagong pasok na mensahe mula kay Jess ay napaayos ako ng upo sa couch bago nagtipa ng sagot. It's been a week since our last night out in Revel. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Jess dahil madalas ay kapwa kami abala sa ibang bagay.


Iris Everleigh:

Pass. Wala ako sa bahay eh :)


Jesse Louis:

ano yang ngiting yan


Jesse Louis:

Nasan ka


Ngumuso ako para pigilan ang ngisi habang pumipindot sa screen.


Iris Everleigh:

Sa condo nung sinasabi ko :)


Jesse Louis:

HA


Jesse Louis:

ni Mr. Primitive???


Napahagalpak ako sa panggagaya niya sa munting tawag ko kay Ace. Isang beses ko lang atang nabanggit sa kaniya iyon pero naalala niya talaga.


Iris Everleigh:

Yep but not so primitive anymore ;)


Jess is right. I'm really in Ace's condo. Nitong mga nagdaang araw ay napadalas ang pag-uusap namin sa telepono bagama't malimit lang kaming magkita nang personal. Isang beses ay nagpatulong ako sa kaniya sa pamimili ng matibay na disenyo mula sa mga pinakita ng ahente. Hindi nga lang ganun kadaling itanong ang ilang bagay mula sa tawag kaya't minungkahi niyang magkita kami. 


Kanina ay may tumawag sa kaniya tungkol sa trabaho kaya't kinailangan niya munang lumabas sandali.


Jesse Louis:

MALANDI KA


Jesse Louis:

hindi na ko magtataka kung dinala mo na rin yan sa unit mo!!!!!!!


Suminghap ako bago sumagot.


Iris Everleigh:

EXCUSE ME, siya ang nagdala ng sarili niya sa unit ko ;)


Napahagikhik ako bago ko agad na sinundan iyon ng pahabol na mensahe.


Iris Everleigh:

tho may naiwan lang naman ako sa kotse niya kaya hinatid niya

Never DescendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon