Kabanata 20

31.6K 1.4K 206
                                    

Hunger




Ayoko mang pagtuunan ng pansin ang natunghayan ay hindi ko naman maikubli ang munting pagbigat ng dibdib. Pilit kong isinasantabi iyon dahil sa totoo lang ay ayoko sanang masyadong mag-isip. Natatakot ako sa kung san ako maaaring dalhin ng mga saloobin. Nangangamba sa mabubuong ideya at hinagap. Higit sa lahat ay kinakabahan ako sa posibleng mapagtantong pagtingin.


Ace Frederick:

What time are you coming?


Ace Frederick:

You can arrive a little late. I have something sudden to attend to.


Ace Frederick:

Tell me when you're on on your way.


Iyon ang ilan sa mga mensaheng ipinadala niya na hindi ko na nakita kanina. Tinignan ko ang oras na pumasok ang mga iyon. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ko ng mga panahong iyon o wala na pero hindi naman na iyon importante pa.


He said he has something to attend to. Something "sudden" like having a lunch date with his fiance slash girlfriend. I understand, Ace. Sino ba naman ako. You didn't have to keep it from me though. Maiintindihan ko naman na mas gugustuhin mong kumain sa labas kasama siya kaysa pagtiyagaan ang luto ko.


"Miss Iris, ayos ka lang?"


"H-huh? Ay.. sorry,"


Napatabi ako mula sa pagkakaharang para bigyang daan ang dalawang construction workers na may mga dalang sako ng semento.


"Mayroong upuan sa banda roon... Kung gusto mo ay umupo ka na lang muna at baka mangalay ka riyan,"


"Oo nga, para hindi ka na rin mainitan tutal ay may silong doon.."


"Uh, hindi na ayos lang. Magvi-video rin kasi ako maya-maya..." pinilit kong ngumiti para mapanatag sila.


Iniwasan ko na ulit pang matulala matapos iyon. Nilibang ko ang sarili sa pagmamasid sa paligid pati na sa paghahanda ng camera para sa vlog. Nilayo ko rin ang atensyon sa phone ngunit isang beses ay hindi ko naiwasang mabasa ang isang mensahe mula kay Ace.


Ace Frederick:

Where's my lunch? :(


Pretense. I know you're done eating, Ace. Stop feeding me with this facade. Imbes na ibulsa ay itinago ko na mismo sa bag ang telepono para hindi na ito mamalayan kung sakali mang tumunog pa ulit. I diverted my attention to anything else but overthinking.


"Howdy, everybody! This is Iris Everleigh, your resident sultry bae, ready to complete your day," I winked playfully like how I always do. "Seatback, relax, enjoy and stay if you want to join me slay," I plastered my signature endearing smile for a good three seconds.


"So hi, guys! Welcome back to my youtube channel." I beamed. "For today's vlog, ipapakita ko sa inyo yung development and slight improvement na rin sa pinapatayo kong bahay..."

Never DescendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon