Ako:Did you eat already?
Kung nagtataka kayo kung saan ko nakuha ang number ni Jordan ay nakuha ko iyon sa magaling kong pinsan na si Uno.
Habang tulog siya noong nakaraan ay pumislit ako sa kwarto niya. Mabuti na lamang at alam ko ang password niya kaya madali ko iyong nakuha.
Ayaw kasing ibigay sa akin ni Jordna ang number niya dahil hindi naman daw niya masyadong ginagamit ang cellphone niya.
Jordan and I have been secretly seeing each other for more than a week now. Hindi naman nagdududa ang mga pinsan ko kung bakit madalas ay busy ako dahil ang lagi kong alibi ay mayroon akong tatapusin para sa aking klase.
But I know it wouldn't be so long until they figure out what I am busy about.
I know I should not feel happy because we are fooling his girlfriend but I can't help to feel good whenever we go out, kahit patago lamang iyon.
Alam kasi ng mga kaibigan ni Jordan na mayroon na siyang girlfriend at hindi ako iyon. Mayroon ding ilang kaibigan si Jane, ang girlfriend niya, dito sa Maynila kaya nag-iingat kaming dalawa upang walang makakita sa amin.
I sat at the bench waiting for Jordan to reply. Tinignan ko ang aking relos at nakitang lagpas alas dose na. Ang ibang mga estudyante ay pakalat-kalat na sa loob ng campus para sa lunch.
Minsan ay nakikita nila kami na magkasama ni Jordan pero wala namang malisya iyon para sa kanila dahil nakita na naman kami ng mga pinsan ko na magkasama noon at ang sabi ko ay magkaibigan lang kaming dalawa.
Medyo duda pa doon ang ilang pinsan ko lalo na si Kendall pero nang sinabi ko na mayroong girlfriend si Jordan ay naniwala naman siya.
She really believes that I won't be some mistress.
Medyo nagi-guilty na din ako dahil sa pagsisinhngaling ko sa kanila.
If keeping our relationship as a secret is the only way to be together then we'll keep it. Even if it means that we will fool everyone around us.
I am gently tapping my fingers at the wooden bench when my phone beep from a message.
I immediately open it to read Jordan's reply.
Jordan:
Yes
Napanguso ako dahil sa reply niya. 'Yon na 'yon? Ganiyan lang kaikli at kalamig ang reply niya para sa akin?
Hindi man lamang niya itatanong kung kumain na ba ako o kung nasaan na ako? Hindi man lamang niya ako hinintay para makapag sabay kaming kumain?
I remembered giving him my schedule and asking for his kaya alam kong alam niya na sabay ang lunch namin ngayon.
Mapait kong tinago ang aking cellphone sa bulsa ng pantalon na suot ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
I sighed. Wala na akong ganang kumain ngayon. I am really looking forward to eat with him today, sayang.
I don't remember him this cold before I confess my feelings and before he kissed me. Naaalala ko na noong unang pagkikita namin ay mabait siya sa akin at medyo madaldal. But right now? Hindi iyon ang nakikita ko.
Is it because I am pushing myself too much to him? Or is it because he felt pressured by me? O baka ganito naman talaga siya? Siguro ay kaya lamang siya hindi ganito kalamig noon ay dahil bago pa lamang siya sa University at gusto'ng magkaroon ng kaibigan?
Umikot-ikot muna ako sa campus. Hoping I would bumped to him, hindi ko kasi alam kung saan siya kumain ngayon.
Hindi kami ganoong madalas na magkasama tuwing lunch dahil ayaw naman naming maging halata masyado sa mga mata ng aming kaibigan at ibang estudyante.
BINABASA MO ANG
The Burning Desire
RomanceVasquez Series #2 Reign is good, everyone around her knows it. She won't do anything that might harm others. But then Jordan, who is off limits, came in the picture and everything change since then. Their desire for each other started to grow no mat...