"Kai, nasaan na si Xanley?" I asked my cousin.Siya kasi 'yung madalas na kumukuha kay Xanley dito sa amin. Ayaw namang sabihin sa akin ng isang ito kung saan ba niya dinadala ang anak ko.
Si Xanley naman ay ayaw din sabihin sa akin kung saan siya dinadala ng tito niya, sa palagay ko ay binilan ni Kai ng laruan ng anak ko kaya ganoon.
Mabuti na lamang at nasuhulan ko si Xanley ng mas magandang regalo kaya walang nagawa ang bata kundi ang sabihin sa akin kung saan nga ba siya dinadala ni Kai.
"Sa taas ata o kaya ay kasama ni Uno."
"You should seriously stop bringing my son at the hospital. Baka mamaya ay mahawa ng sakit 'yon doon." Pangaral ko dito.
Ang sabi kasi ni Xanley ay sa ospital siya dinadala ni Kai para makapagpa check up sa isang magandang doctor na sa tingin ko ay pinopormahan niya.
Talagang dinamay pa talaga niya ang anak ko sa mga kalokohan niya!
Umasim ang mukha niya. "I knew Xanley's gonna talk. I should've brought another child." Bulong niya sa sarili kaya natawa ako.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ni Legion ng makita akong bihis na bihis.
"Sa project ko lang. Tapos na naman iyon, iche-check ko lang dahil baka may kulang pa."
Ang araw na nag-usap kami ni Jordan noong nakaraan ay ang araw din na huli kaming nagkita.
Mabuti na lamang at kumatok ang kaniyang sekretarya sa office kaya natigil ang pag-uusap namin. Pagkatapos noon ay dali-dali na akong umalis.
Talagang dinoble ko ang mga trabahador ng bahay niya upang matapos agad. I badly want to get this project done as soon as possible.
"I-check ko lang po 'yung bahay." Paalam ko sa guard ng bahy ni Jordan.
Sa tingin ko ay kilala na naman ako ng guard ng bahay na ito dahil ilang linggo na akong pabalik-balik dito para sa pag-aayos ng bahay niya.
Hindi kami nagkaka-abutan ni Jordan sa bahay niya noong nakaraan dahil sinabihan ko ang kaniyang sekretarya na sabihin sa akin kung kailan bibisita si Jordan para tignan ang kaniyang bahay.
Sa tuwing ite-text ako ng sekretarya niya na papunta na si Jordan ay umaalis na muna ako at 'saka lamang ba-balik kapag sigurado na wala na siya sa bahay.
I know, It is unprofessional but I really want to lessen our encounters as much as possible to prevent any outbursts.
To: Xanley
Where are you?
I sent the send button. Hindi ko na talaga alam kung sino ang kasama ni Xanley sa mga pinsan ko.
Ayaw ko naman na pag bawalan itong lumabas dahil mukhang nasisiyahan siya. Isa pa ay kasama naman niya ang aking mga pinsan kaya nakasisigurado ako na ligtas siya.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa mga kwarto sa second floor ng bahay. Malinis na iyon dahil pagkatapos na pagkatapos maayos ng mga mangagawa ang mga kwarto ay pinalinis ko na agad iyon.
Pulido ang pagkakaayos ng mga kwarto at katulad na katulad sa mga sketches ko. Tamang-tama lamang na kinontrata ko ang kumpanya ng isa kong kaibigan upang gawin ito.
Mayroon na ring mga furnitures ang mga kwarto na iyon dahil kasama ito sa kontrata ko kay Jordan. Kagaya ng napag-usapan namin ay simple lamang ang mga iyon at hindi masakit sa mata.
Nang papunta na ako sa huling silid upang tignan iyon ay nakarinig ako ng mga hakbang. Napakunot ako agad dahil dito.
Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid at nakita na ako lang naman ang tao rito. Sa pagkakatanda ko ay mayroong tatlong kasambahay ang nagbabantay dito at dalawang guard sa front gate.
BINABASA MO ANG
The Burning Desire
RomanceVasquez Series #2 Reign is good, everyone around her knows it. She won't do anything that might harm others. But then Jordan, who is off limits, came in the picture and everything change since then. Their desire for each other started to grow no mat...