Today is one of the days where me and Jordan can spend our time together er — not really together, not just us.I've actually learned earlier this morning that my cousins are going to play basketball at the village's basketball court, they've invited some of their friends from our rival school.
Hindi ko alam kung sino sa 15 ko'ng lintik na pinsan ang nakaisip ng ideya na ito.
I'm thinking maybe, it was Uno and Dos. Sila naman kasi talaga ang gustong-gusto na nasa spotlight at nagpapapansin masyado sa mga babae. They use basketball as their way to flirt with some girls they met at the court.
Those two are a natural flirt.
Jordan and I already had the chance to spend the day together but since he will be one of the players, we can't.
Si Jordan ay isa sa mga kalaban ng pinsan ko. Apparently he is friends with my cousins rival player.
Dahil sampu ang pinsan ko'ng lalaki ay hindi silang lahat ang makakapaglaro. Minsan ay kalaban nila ang isa't-isa. Minsan naman ay sumasali sa ibang team ang ibang pinsan ko'ng lalaki at kakalabanin ang mismong team namin.
Madalas namang bangko si Uno at Dos kaya hindi ko alam kung bakit pa nila pinipilit ang laro na ito, not like they have a chance to play inside the court for so long dahil paniguradong mag sho-show off lang silang dalawa at magpapasikat.
Sa tingin ko ay magpapa-pogi lang ang dalawang iyon sa bench.
Si Uno at Dos ay madalang na mag sama sa isang team dahil madalas ay nag-aaway silang dalawa. Gusto din naman ni Uno at Dos na magkahiwalay sila kaya wala iyong problema.
I wonder who will be their opponent this time? Siguro ay maglalaro si Kuya Malachai at Kuya Scott para sa kabilang team?
The game will start after lunch. Doon nalang daw magkikita-kita ang mga pinsan ko pati ang makakaalaro nilang team.
"Sino ba ang maglalaro sa mga pinsan natin?" Takang tanong ko kay Raika habang nag-aayos ng sarili.
"Ang alam ko ang first five ay si Kyrie, Kuya Huxley, Kaiden, Legion at Calvin. Si Kai daw kasi ay mayroong topak at ayaw na maglaro." Paliwanag niya. Naglagay siya ng kaunting liptint sa labi niya. "Si Uno at Dos naman, as always ay bangko." Umirap siya at tumawa.
"How about Kuya Scott and Malachai?" I curiously ask.
Baka kasi sasali sila sa kabilang team para maasar na naman sina Kyrie at talunin.
"Oh, yeah! They are not playing. I co-coach nalang nila ang mga talunan nating pinsan."
Oh! So mali pala ang iniisip ko kanina? Siguro ay tinatamad ang mga iyon na maglaro?
Nagkibit balikat ako. Sabay kaming bumaba ni Raika papunta sa kotse ni Huxley. Nandito din ang iba kong pinsan.
Dito kasi sa village nila gaganapin ang laro kaya dito na lamang kami pumunta. Ilang metrong lakad lang naman 'yon pero hindi ko alam kung bakit gusto pang mag kotse ni Uno papunta.
"Come on! Paano 'yung tubig? Bubuhatin natin?" Sarkastikong turo niya sa cooler, water jug at gatorade na dala namin.
Tama naman siya doon. Medyo marami din kasi ang inumin nila doon para sa laro. Sigurado naman ako na kaya nilang buhatin 'yan pero mas lumamang siguro ang pagiging tamad nila
"You're just going to show off your car, Kuya." Inirapan siya ng bunsong kapatid na si Nyxie.
"You're just going to sit tight at the bench, Uno. Kaya siguro gusto mo'ng dalhin ang kotse para makabawi ka naman?" Humagalpak sa tawa si Kuya Scott sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Burning Desire
RomansaVasquez Series #2 Reign is good, everyone around her knows it. She won't do anything that might harm others. But then Jordan, who is off limits, came in the picture and everything change since then. Their desire for each other started to grow no mat...