Pagkatapos naming mag-usap ni Jordan sa labas ng club ay dumating din ang mga pinsan ko upang ayain akong umalis na.
It was fun talking to Jordan. We talked about some random things and our political stands.
Though, I think he is flirting with me, which is actually a good type of flirting.
I blushed when I remembered our encounter. Napailing na lamang ako sa sarili.
Dahil sa kaniya ay nawala ang antok ko ng gabing iyon. We just talked until my cousins were ready to go home.
We quickly bid our goodbyes when I heard my cousins laugh from afar.
Bago pa makapagsalita ang iba kong pinsan ay pumasok na ako sa kotse at nagpanggap na tulog doon dahil alam ko na kung ano-anong tanong na naman ang ibabato sa akin ng mga iyon.
"Hey, we are going at your house!" Iyon ang bungad sa akin ni Kendall pagkasagot ko sa tawag niya.
"W-what? I'm not home." Nagsinungaling ako.
I know that once they are here, they would not stop asking me questions about how Jordan and I are talking outside a club, sitting in a gutter.
"Then go home!" Pagkatapos noon ay pinatay niya na ang tawag.
I quickly run to my bathroom to take a quick bath. Agad akong nag-ayos at nagsuot ng isang ripped denim shorts at isang sleeveless crop top.
Kinuha ko agad ang aking bag at hindi na nag-abalang lagyan ng kung ano-ano ang aking mukha.
Bumaba agad ako at pinatawag ang aming driver upang makaalis na ng bahay.
"Where are you going?" Takang tanong ni Kuya Scott ng makasalubong ko siya.
"Sa school lang." I smiled.
"Wearing that?" He pointed his finger at my outfit.
Napalunok ako at napanguso.
"Hindi naman ako papasok sa loob, Kuya. I just need to meet someone." I lied.
Siningkitan niya ako ng mata. I knew he wouldn't buy that reason. Bakit pa kasi school ang naisip kong dahilan?
"Okay..." I smiled even more when he did not question me.
I hugged Kuya Scott before giving him a peck on his cheeks.
Pagkatapos noon ay tumakbo na ako sa kotse upang makaalis na.
"Kuya sa mall po." I smiled.
Our driver nodded at me.
Sa kotse na ako naglagay ng sunscreen at nag-ayos ng sarili.
Nang dumating na ako sa mall ay bumaba na ako agad ng kotse.
"Kuya, you can go home muna po. Matagal po kasi ako dito, I'll call nalang po pag pauwi na ako." I smiled.
"Ha? Ma'am b-baka po magalit ang mommy at daddy niyo." Kabado niyang sagot.
"No Kuya! I'll talk to them nalang po! Bye!" Umalis na ako agad sa harap niya at pumasok sa loob ng mall mag-isa.
Hindi ito ang mall kung saan madalas pumupunta ang mga pinsan ko. Ito ang napili ko dahil alam kong hindi talaga sila mapapadpad dito, lalo na si Kendall at Raika.
I'm sure those girls will bomber me with their questions.
Mag a-alas dose na ng tanghali kaya napagdesisyunan kong pumasok sa isang steak restaurant upang makakain na. Hindi pa din kasi ako nakakapag-almusal dahil late na akong nagising.
BINABASA MO ANG
The Burning Desire
RomanceVasquez Series #2 Reign is good, everyone around her knows it. She won't do anything that might harm others. But then Jordan, who is off limits, came in the picture and everything change since then. Their desire for each other started to grow no mat...
