Chapter 40

1.2K 26 1
                                    


"S-so this is what it's all about?"  Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Mayroon na akong ideya noong makita ko siya sa unang meeting namin noon. Hindi lamang ako makapaniwala na ito talaga ang dahilan niya sa pag hire sa akin bilang kaniyang Interior Designer.

He did not showed up during our meetings, for what? To do this? Para mapahirapan niya ako sa pakikipag-usap sa kaniya?

Guess what? I am not tired but angry.

"I thought you were professional when it comes to business." Nanghahamong bigkas ko sa kaniya.

His eyes slightly darkened. Hindi na siya lumapit sa akin at tumayo na lamang sa aking harapan.

The intensity from his eyes is too much. His jaw slightly move.

"I can't be a professional with you. You are always personal, Reign."

Doon natapos ang pag-uusap namin dahil agad akong umalis pagkasabi niya noon. I did not say anything else to him dahil mukhang magtatalo lamang kami sa kaniyang opisina.

A part of me told me to stay, to try talk things with him and finally open up my pregnancy before but there was also a tiny voice whispering in my ear, telling me to go and breathe. Something whispered to me that now is not the right time.

A week had already passed since that day. I know that I should be the one to reach out pero paano ko naman gagawin iyon? The way our talk ended is not good. 'Ni hindi ko nga alam kung tinaggal na niya ako sa pagiging Interior Designer niya.

But I am sure that they would inform me if so. Ang kailangan ko lang naman gawin ay tapusin na ang proyekto na ito at ayusin ang mga bagay-bagay para sa aking anak.

Sa oras na maayos na kaming nakapag-usap ni Jordan, iyong hindi galit o nagsisigawan ay 'saka ko ipapakilala ang anak namin sa kaniya.

I do not want Xanley to witness his parents fighting. Hindi maganda iyon at hindi iyon ang gusto.

Sa ngayon ay wala naman akong ginagawa dahil sinama ni Kai ang anak ko. Hindi ko lang alam kung saan niya ba dadalhin iyon. Ilang araw na rin kasi niyang inilalabas si Xanley.

Kasama rin niya minsan ang ibang pinsan namin na akala ko ay busy dahil sa trabaho. Pero ayos lang naman iyon sa akin dahil mukhang masaya naman si Xanley na makalabas.

My phone vibrated from a message. Siguro ay sina Kai ito?

Jordan's Secretary:

Good day Ms. Vasquez! We would like to schedule another meeting with you today. We are very sorry for the inconvenience we have caused you.

Agad na umasim ang aking mukha dahil dito. Tinaas ko ang aking kilay. Baka naman mamaya ay hindi na naman sumipot ito?

Kahit na mayroon pa rin akong pagdududa ay tinaggap ko na ito. Paano ko matatapos ang proyekto na ito kung hindi pa ako makikipagkita sa kaniya?

Ako:

Good day! Please send me the details and I'll be there.

Pagkatapos noon ay nag-ayos na ako at muling naligo upang makapagpalit na ng damit. I just wore a simple and comfortable clothe.

Panigurado kasi na pagpapawusan ako doon dahil mag che-check ako ng bahay.

Dumiretso ako sa parking lot ng restaurant na pinagkikitaan namin. Ang sabi ng secretary niya ay doon kami magkikita.

We don't have to go inside the restaurant. Mas maganda kung di-diretso na kami sa mismong bahay ni Jordan para mabilis kaming matapos.

Hindi pa man ako nakakapag park ng maayos ay nakita ko na ang pamilyar na kotse ni Jordan sa isang gilid kaya doon ako dumiretso sa gilid niya.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon