77

12 2 0
                                    

MATHEW POV.




"Mathew!" napatingin ako sa malakas na sigaw nayun bago paman ako makapagsalita ay napasakdal nako sa sahig.




"bat mo ginawa yun?" galit na tanong ko.



"bakit?ha?...." mapaklang tanong nya bakas ang galit. "kanina pa kami alalang alala kay xyrell,pati sila tito Leo halos lahat kami... tapos kasama mo na pala ha?...ni hindi kaman lang tuma----"





"kagustuhan ko yun kaya wag mo syang sisihin!" putol ni xyrell Kay Christian ace.


malumanay ang pagkakasabi nya pero nandun sa mga mata nya ang halo-halong emosyon na nararamdaman nya ngayon,mas lalo akong nakaramdam ng awa sakanya lalo na sa sinabi nya saakin kung paano sya nanabik na makita si Christian ace.




FLASHBACK!


papunta na sana ako kila Tita Daisy kaso bigla akong napatigil ng makita ang sasakyan na kulay blue,,..alam kong hindi lang si xyrell ang my ganoong kakyut na kotse pero napansin ko kasing my panda na design sa magkabilang likod kaya naman bumaba ako ng sasakyan at tinignan iyon,hindi nga ako nagkakamali dahil my family picture sila na nakalagay sa harap ng kotse nya,pero papasok nasana ako sa loob ng mapansing bar pala itong lugar nato,tanda kopa ito!,ito din yung bar na pinuntahan ni vanessa.



pagkapasok ko ay agad Kong hinanap si xyrell ngunit Hindi ko makita sa dami ng tao dito na nakatayo,palakad lakad,yung iba ay sumasayaw,halos ang iba ay lasing na pero sige parin sila.

d','b

sumilip silip pako na animoy makikita si xyrell, nagpaikot ikot ako sa kakalakad hanggang sa my mapansin akong nag iisang babae sa dulo na my dalawa pang lalaki na halatang pinipilit yung babae,babaliwalain ko na sana pero ng mailawan ng kaunti ang mukha nya ay namukhaan kosya,

'si xyrell nga!'

kaya agad agad ko yung pinuntahan at lumapit sakanila.

"tara,miss sasayaw kalang naman dun sa my table namin eh" aniya nung lalaki na medyo mataba.


"saka masamang nag iisa,tsaka asan ba ang jo---"



"nandito ako.!" putol ko sa sasabihin nung isa pang lalaki.



"ikaw yung jowa nya?" natatawang tanong nung lalaki.



"Oo,umalis na kayo!"

"pano kung ayaw nam----"

"please!" pakiusap ko.

"tara na pree,marunong naman pala makiusap tong bata e!" aniya,


"bye miss beautiful!"



gusto Kong sapakin yung dalawang yun lalo na sa sinabi nung medyo mataba na halatang manyak.


d>>_<<b

"why are you here!" tanong agad ni xyrell ng bumaling ako sakanya.




"diba nga,dapat IKAW ang tanungin ko nyan?" tanong ko ng my diin.




"saka...pumapayag ka..na bastusin ka nung mga lala---....x-xyrell..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ng makita Kong mangilid na ang mga luha sa mata nya.




kaya naman agad akong napaupo sa tabi nya saka sya niyakap,duon naman sya napahagulgol sa balikat ko.


'damn,its your fault Christian ace'

The Mysterious Boy In Love With A Simple GirlWhere stories live. Discover now