“TANCH POV”
Ang sarap gumising lalo na pauwi na si Sarah,na miss ko siya ng sobra,tatlong araw din kami walang maayos na usap dahil na din sa hina ng signal niya doon,pero ang sabi niya may magandang balita daw siya sa akin bukod sa pag kakatubos niya ng lupain nila.Masaya man ako may kirot pa din sa puso ko dahil alam kong aalis si Sarah in two weeks,parang gusto kong pahintuin ang ikot ng mundo,gusto ko itigil ang bawat araw,gusto kong pahintuin ang oras.Pero kailangan mag paka tatag.Kailangan kong intindihin na pamilya pa din ang dapat niyang unahin.Naputol ang pag iisip ko ng kumatok si Mommy…
“Tanch,bumangon ka na dyan ng makaalis na tayo..first photo shoot mo kasama si Hugo nakakahiya naman mahuli ka.”pag mamadali sa akin ng mommy.
Minsan naisip ko sadyain ko kayang mag pahuli ng mainis si Hugo at lubayan na ako,Araw-araw na ako naririndi na kay Mommy..yung totoo 2yrs ko ba talaga itong titiisin..mapapa buntong hininga ka na lang.Kahit ayaw ko pang tumayo at kumilos pinilit ko pa din kumilos na..Mas ok na din para maaga akong matapos at mapuntahan si Sarah.Pag katapos kong makapag ayos agad akong bumaba nakita kong hinihintay na ako ni Mommy at parang naiinip na kaya agad ko siyang niyaya.Pag dating namin sa photo studio,nandun na din si Hugo,mas maaga pa siya dumating sa amin,may kausap siya that time na medyo pamilyar sa akin may iniabot ito saknya at may iniabot din siya,tahimil lang ako nag oobserve ng hatakin ako ni mommy at bilisan ko na daw.Nang mapansin ako kami ni Hugo agad niyang pina alis ang kausap niya,dumaan ito sa harapan namin ni Mommy pero yumuko ng makitang nakatingin ako sa kanya.Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita pero sure akong may ilang pagkakataon ko na siya nakita.Binalewala ko na lang dahil panay na ang pangungulit sa akin ni Mommy.Sa buong shoot naging tahimil si Hugo at panay lang ang sulyap sa akin at kung minsan ay tinitignan niya ung laman ng envelope na kanina ay iniabot sa kanya,hindi man ako sanay sa pinakita ni Hugo may kung anong kaba at pag kalito akong naramdaman lalo na sa mga tingin niya.Natapos ang shoot na di niya ako kinabo pero bago kami umalis nakita kong kinausap niya ang Mommy at may inabot hindi ko masyado nakita kung ano yun,dahil nag mamadali na din ako makauwi dahil gusto kong isurprise si Sarah sa unit niya.Nakita kong papalapit na ang Mommy kaya binilisan ko na ang pag kilos.Tahimik lang ang Mommy at nakikita ko kung minsan ay sinusulyapan niya ang envelope na binigay sa kanya ni Hugo.Hindi ako nakatiis,kaya nag tanong na ako.
“May problema po ba?kanina pa po kayo walang kibo,saka ano ba yang inabot sayo ni Hugo na kanina mo pa sinusulyapan Mommy?”pag uusisa ko sa kanya.
“Mamaya na tayo mag usap Tanchellie.”
Mariin na sagot ni mommy hindi ko alam pero biglang kabog ang puso ko,Ano ba talaga ang nangyayari,.Nakarating kami ng bahay ng di pa din nag sasalita si Mommy,mas lalo akong kinabahan ng tuloy tuloy lang si mommy sa pag pasok sa bahay na parang hindi ako kasama,pumasok din agad siya sa kwarto niya.Nagtataka man at medyo kinakabahan ay pumasok din ako sa kwarto at nag pahinga,balak kong umalis in an hour para mas mauna kay Sarah sa unit niya.Nang matapos ako sa lahat,nag balak na akong umalis,pag labas ko ng kwarto nagulat ako ng makita ko sa sala si mommy nakita ko din ang envelope na nakapatong sa mesa at may nakalabas na mga litrato,dahan dahan akong bumaba.Nagulat ako ng biglang nag salita si Mommy.
“At saan mo balak pumunta”?tanong ni mommy sa akin.
Kitang kita ko ang pag tulo ng luha niya ng mapatingin siya sa akin,ano ba tong nangyayari,bakit umiiyak si mommy,ano yung mga litrato na hawak niya.Hindi pa man din ako masyado nakaka lapit pero kitang kita ko ang naka ibabaw na litrato,hindi ako pwede mag kamali,kami iyon ni Sarah,kuha yun sa siargao.Paano nangyari yun,bakit may ganun si Mommy,.Napatingin ako kay mommy kita ko sa mga mata niya ang galit,ang inis.Hindi ko na alam ang gagawin ko,ano ba tong nangyayari,paano ko ito lulusutan.?
“Ipaliwanag mo ngayon sa akin Tanch lahat ng ito.”sabay hagis ng mga litrato sa akin.
Bumagsak ang mga litrato sakto sa paanan ko kitang kita ko ang mga kuha sa isla yung araw na nag sumpaan kami ni Sarah,yung nakaluhod si Sarah,yung hinalikan ko si Sarah yung hinalikan ako ni Sarah,lahat lahat may kuha.Hindi ako nakagalaw hindi ako nakasalita,nagulat na lang ako ng sumigaw si Mommy.
“Nasisiraan ka na talaga,ano yang pinag gagagawa mo,ano yang pinasok mo,alam mo bang kasalanan yan,alam mo di tanggap yang ganyang klaseng relasyon,nasisiraan kana ba ng pag iisip hah Tanchellie.?”
Hindi ko pa din alam isasagot ko.Hindi sa ganitong paraan dapat nalaman ni Mommy ang lahat,paano ko ito ipapaliwanag.Hindi talaga ako makapag salita ng isang malakas na sampal ang dumampi sa aking pisngi.
“Hindi ko alam kung saan ako nag kulang sayo para gawin mo ito.I am so disappointed,Ako na mismo na nanay mo hindi ka maiintindihan paano pa ang iba.Alam mo bang maaari ka nilang pag usapan at pag isipan ng masama.Hindi ka ba talaga nag iisip.”
Patuloy ang galit ni Mommy,patuloy din ang hapdi ng sampal niya sa pisngi ko.Hindi pwedeng hindi ako mag salita kailangan kong ipagtanggol kung ano ang meron sa amin ni Sarah.Kailangan kong panindigan si Sarah.
“Mommy hayaan mo akong mag paliwanag,Hindi ko naman gustong mag sinungaling at itago sayo lahat,kumukuha lang ako ng tyempo kasi alam ko di mo ako maiintindihan hindi mo kamiko matatanggap ni Sarah.Mahal ko si Sarah mommy,sana naman maintindihan mo ako.matanggap mo kami,hindi man ngayon sana soon mommy.Matanggap mo sana kung ano ako.”
“Kahit kailang hindi ko maiintindihan kung ano man yang gusto mong maintindihan ko anak..naririnig mo ba sinasabi mo hah,ikaw pa ba yan Tanchellie o naimpluwensyahan kana ng Sarah na yan..Sinasabi ko noon pa sayo iwasan mo yang Sarah na yan,kung ano ano ang pinapasok sa isip mo.”
Doon ako biglang natauhan sa sinabi ni mommy hindi ko kayang manahimik habang pinagsasalitaan niya si Sarah ng ganun,Hindi ganung klaseng tao si Sarah,napaka bait niyang tao,kung alam lang ni mommy na si Sarah ang nag tustos sa mga gamot na kinailangan niya ng mga panahon may sakit siya,ultimo ikakain na lang niya itutulong pa niya sa akin,hindi masamang impluwensya si Sarah,mabait at matulungin yung taong minamahal ko.Hindi ko papayagan pag salitaan siya ni mommy ng ganun.
“Hindi mo alam mommy ang mga sinasabi mo,hindi niyo dapat pinag sasalitaan si Sarah ng ganun,hindi siya masamang tao at kailanman hindi siya masamang impluwensya.”
Bago ko pa masabi na si Sarah ang tumulong sa amin nung nagkasakit siya mag kasunod na sampal ang binitawan ni Mommy.
“Iyan ba ang sinasabi mong mabuting tao,ng dahil sa Sarah yang natuto kang mag sinungaling,natuto kang sumagot sagot at nagawa mo itong mga kalokohan na ito.”galit at pasigaw na sabi ni mama sabay tapon ng mga litrato sa akin.
“Umakyat ka sa kwarto mo,hindi ka aalis at hindi kana makikipag kita at makikipag usap sa Sarah na yan,Ibigay mo sa akin yang cellphone mo ngayon din.”
Pilit na hinablot ni Mommy ang phone ko,at pilit akong hinila papasok ng kwarto ko.Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko kailangan kong makita si Sarah kailangan kong makatakas.May isang oras na ng pumasok ako ng kwarto,sumilip akong bahagya at nakita kong wala si Mommy sa sala,dali dali akong kumilos at kumuha ng ilang damit at inilagay iyon sa isang maliit na paper bag.Dahan dahan ako lumabas ng kwarto naririnig kong may kausap si mommy sa phone niya mula sa kanyang kwarto kaya maingat akong bumaba ng hagdan,maingat kong binuksan ang gate,nag maisara ko ito dali dali kong pinara ang dumaraang taxi at agad na sumakay.alam kong mas magagalit si mommy pero hindi ako papayag sa gusto niya,Hindi niya kami mapag hihiwalay ni Sarah,kaunting panahon na lng ang natitira samin para mag sama at aalis na siya,hindi pwedeng hindi ko siya makasama at makausap hanggang sa umalis siya.Hindi ko na namalayan ang takbo ng sinasakyan ko nagulat na lang ako ng mag tanong ang driver kung saan ang tamang bababaan ko.Bumababa ako sa mismong kanto at nag lakad na lang patungo sa unit ni sarah,mukhang wala pa din si Sarah dahil patay pa ang ilaw sa unit niya.Naghintay na lamang ako sa baba naiwan ko kasi ang duplicate ng susi na binigay niya sa akin noon.Matagal tagal na din ako nakaupo sa halamanan malapit sa gate ng inuupahan niya mgay isang pamilyamr na boses ang tumawag sa pangalan ko.
“Tanch,?Mahal anong ginagawa mo rito?”
Si Sarah….. tama boses ni Sarah iyon.iniangat ko ang aking ulo at nakita kong papalapit sa akin si sarah at may halong pag tataka sa mukha niya.Agad akong tumayo at sinalubong ng yakap si sarah,kasabay ng pag patak ng mga luha ko sa kanyang balikat.Lumayo siya ng bahagyan ng maramdaman niyang umiiyak ako.
“Anong nangyari sayo,bakit ka umiiyak,anong problema mahal.?
Hindi ako sumagot niyakap ko lang ulit siya ng mahigpit.Ilang saglit pa naramdaman kong niyakap ako ni Sarah.Yakap na na miss ko ng sobra yakap na kailangan ko,yakap na si Sarah lang ang alam kong makakapag bigay sa akin.Niyaya na ako ni Sarah pumasok,binitbit niya ang dala ko at patuloy ang pag hagod sa likod ko,para akong bata na hikbi ng hikbi at di matapos tapos ang pag iyak.Alam kong nag aalala siya pero di ko mapigilan di maiyak,hindi ko kayang pigilan ang luha ko tuwing maaalala ko ang mga sinabi ni mommy na..
KAHIT KAILAN HINDI NIYA KAMI MATATANGGAP NI SARAH.
Pag kaakyat namin ni Sarah ay agad niya akong binigyan ng tubig at pinakalma,Dahan dahan naman akong napa relax sa mga sinasabi sa akin ni Sarah iba talaga ang words of wisdom ni Sarah agad niya ako napakalma.
“Mahal huwag kana masyado mag alala hah,maayos din natin ito,aayusin ko ito wag mo na masyado pang isipin,and pls tama pag iyak,tignan mo nga itsura mo oh..si mahal talaga.Kaya natin toh diba.kakayanin natin dalawa.”
“Ok.mahal salamat sa pag papalakas ng loob ko,salamat sa lahat ng sinabi mo.pero payagan mo naman akong dumito muna mag papalipas lang ako.pwede ba iyon mahal.?”
“Oo naman,,hindi kita pababayaan mahal,at saka isa pa gusto ko din naman dumito ka..na miss kaya kita.”
Natawa ako sa pag kakasabi ni Sarah dahil kita ko ang pag ka pilya niya,natawa din siya nung tumawa ako,alam niyang na kuha ko ang gusto niyang sabihin.
“Loka loka ang dami mo talagang alam love nakukuha mo pang magbiro.”natatawa kong sabi.
“Sus kunyari pa ito!”pabirong sabi ni Sarah sabay kindat.
“Lulutuan na lang kita ng paborito mo para naman sumaya na yang asawa ko,ayaw kong nalulungkot ka mahal,feeling ko kasi di kita napapasaya.”
“Sus love naman alam mo naman isang smile mo lang masaya na ako eh”.palambing na balik ko kay sarah
Ngumiti sakin si Sarah at nag umpisa ng mag luto.Gaya ng dati napasarap na naman ang kain dahil sa sarap ng luto ng asawa ko.wala talagang tatalo kay Sarah,sa lahat ng bagay napaka swerto ko talaga sa kanya..Paano mo iiwan ang isang tulad niya.Pag katapos namin kumain sinabihan ako ni Sarah na mauna na mag pahinga,alam niyang pagod na ako dahil sa maagang photo shoot at dagdagan pa ng pag aaway namin ni mommy agad naman akong sumunod.Humiga ako at pinikit ang mata nagiisip na sana bukas pag gising ko
TANGGAP NA KAMI NG LIPUNAN LALO NA NI MOMMY….
MOMMY TESS POV
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa batang iyon.Ano ba ang nagawa kong mali,Saan ako nag kulang,masyado ba ako naging mahigpit masyado ba ako naging kampante,ano ba ang gagawin ko.Hindi ko din naman sinasadyang masaktan siya,hindi ko gustong husgahan siya pero ayaw kong mahusgahan siya ng iba wala silang karapatan husgahan ang anak ko.Kailangan kong ituwid si Tanch,hindi ako papayag na maging sagabal ang maling pag ibig na iyan sa magiging kinabukasan ni Tanch.Para sa kanya lahat naman ito.Hindi man niya ako maintindihan sa ngayon alam ko darating ang araw na lahat ng magiging desisyon ko ngayon para sa kanya ay maiintindihan din niya.Kelangan kong kausapin ng maigi ang anak ko.Kailangan namin mapag usapan ito ngayon gabi at maayos din ngayong gabi.
“Tanch anak pwede ba tayong mag usap”.tawag ko kay Tanch habang kumakatok ako sa kwarto niya.
Nakailang katok at tawag ako pero hindi pa din siya sumasagot kaya nag decide akong buksan ang pinto at pumasok.Wala si tanch sa loob ng kwarto niya.Medyo natakot ako kinabahan,mali sana ang iniisip ko,mali sana ang hinala kong umalis at iniwan ako ni tanch.Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kwarto niya sa ibabaw ng side table niya ay may nakapatong na isang papel na may nakasulat na Mommy sa harapan,pag kabukas ko isang maikling mensahe lamang nag naka sulat.
Mommy,
Mahal na mahal po kita kahit ngayon lang po hayaan niyo muna po ako.
Tanch.
Hindi na ako mapakali.Asan si Tanch saan siya pwedeng pumunta,anong oras na delikado na,baka may mangyari sa kanya mga tanong na paulit ulit na nagpapakaba sakin ng bigla kong maisip si Sarah!Si Sarah lang ang pupuntahan ni Tanch kay Sarah lang siya tatakbo.Dali dali akong pumasok ng aking kwarto para kuhanin ang cellphone ko at tawagan si Sarah,pero hindi ko siya ma contact out of coverage ang phone niya marahil nag palit na siya ng numero,nag lakas loob akong tawagan si Tanch baka sakaling sagutin niya.Baka sakaling kausapin niya ako,at makinig na siya,ilang ulit akong tumawag pero hindi sinasagot ni Tanch.Sunubukan ko ulit sa huling pag kakataon at sa wakas ay sinagot na ni Tanch.
“Hello anak asan ka bang bata ka nag aalala na ako sayo,kanina pa kita tinatawagan bakit naman ngayon mo lang sinagot,nasaan ka ba hah?”
“Hello Tita,Si Sarah po ito,tamang tama po gusto ko din po kayo makausap kung maaari lang po personal,para po kay Tanch,sana pag bigyan niyo po ako.”
Hindi ko inaasahan si Sarah ang sasagot ng tawag ko.Marahil ay tulog na si Tanch alam kong napagod iyon sa mag hapon.Pinakiusapan ako ni Sarah magkita kmi bukas ng lunch para pag usapan ang sitwasyon nila ni Tanch.Pumayag ako dahil gusto ko din siyang makausap.Hindi ko man alam kung saan patungo ang magiging usapan namin ay pumayag ako alang alang kay Tanch.Maging maganda lang sana ang takbo ng isip ko bukas.Maging maayos sana ang aming pag uusap.

BINABASA MO ANG
IKAW AT AKO (TARAH)
FanfictionDalawang pusong lihim na nagiibigan.Hanggang sa huli ba ay kaya nilang ilaban ang isatisa.o ipapaubaya na lamang ang mga puso sa iba.