BACK INTO YOUR ARMS

2.1K 100 58
                                    

TANCH POV

Si Sarah na nga sana ito..Gustong gusto ko na siyang  makausap pero kinakabahan ako,baka kasi tumawag siya para mag paalam lang at sabihing iiwan na niya ako pero paano naman kung hindi,?Bahala na ang importante makausap ko siya.

"Hello"?

"Hi,kamusta kana mahal?"

Kinilabutan ang buo kong katawan sa huling salita na narinig ko.Si Sarah nga ang nasa kabilang linya,agad akong tumayo at pumasok sa banyo para walang makarinig sa akin,.Kasalukuyan kasing akyat baba si Mommy dahil may inaayos siyang mga papeles.

"Love...ikaw ba talaga yan?Miss na miss na kita,bakit ngayon ka lang tumawag,bakit ngayon mo lang ako naalala,alam mo bang nag aalala na ako sayo,natatakot na ako.!"
sambit ko kay Sarah habang tumutulo ang mga luha ko.

"Sorry mahal,marami lang ako inasikaso,marami lang ako iniisip ata yaw ko lang na madamay ka pa,alam kong pagod ka sa trabaho mo dyan ee,ayoko ng dumagdag pa.

Paliwnag sa akin ni Sarah habang ramdam ko din ang pa nginginig ng boses niya na parang pigil sa pag iyak.

"Love,ok naman tayo diba,wala naman tayo problema,ok na ok tayo diba"?

Matagal bago sumagot si Sarah,Tatlong malalalim na buntong hininga ang narinig ko bago pa siya sumagot sa huli kong tanong.

"Ok naman tayo mahal eh,yung sitwasyon ang hindi,yung mga naka paligid sa atin,lalo na sayo!"

Nagulat ako sa sagot niya.Ano na naman ba ang gumugulo sa isip niya,Ano na naman ba ang nangyari bago pa kami nag kita sa airport,bago pa kami tuluyan nag hiwalay,bakit bigla bigla na lang siya nanlamig,nag iba.

"Ano ang nangyayari sayo love,hindi ka naman ganyan,ikaw pa nga itong madalas nag sasabi na huwag intindihin yung iba kasi tayo naman dalawa ang nasa relasyon bakit ngayon iba kana,iba na ang pananaw mo?Ano ba nagawa ko?Ano ang mali ko?Sabihin mo lang love pwede ko naman ayusin pwede kong baguhin.!"

Muling tumahimik si Sarah.Litong lito na ako sa mga nangyayari,sinasabi at kinikilos niya,As far as i remember we are totally ok.wala kami pinag awayan or anything,why all of a sudden biglang ganito?feeling ko guguho ang mundo ko kung muli siyang magsasalita at sasabihing ayaw na niya at tapusin na namin ang lahat.Kaya bago pa siya maka pag salita na ikaka sakit ko,ay inunahan ko na siya.

"love im clueless,Wala akong alam na kahit ano kung bakit bigla kang ganyan,but please dont dare left me love,hindi ko kakayanin,hindi ko kaya."

Mga salitang binitawan ko na nag patulo ng tuluyan sa mga luhang kanina ko pa pinipigil,mga luhang Dalawang linggo ko na din pilit pinipigilan,mga sakit sa puso ko na dalawang linggo ko ng tinitiis,mga tanong sa isip ko na puso ko na din ang sumasagot.Ano na nga ba ang lagay ng relasyon namin ni Sarah?

"Mahal please  huwag kang umiyak,alam mong masakit para sa akin iyan.Hindi ko alam mahal,pero isa lang naman ang sure ako sa ngayon,na...
IKAW PA DIN ANG MAHAL,IKAW LANG ANG MAMAHALIN KO."

Nang marinig ko ang mga sinabi niyang iyon ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.Parang nawala ang pag kakasakal sa aking leeg na dalawang linggo ko ng nararamdaman.Iyon lang naman ang pumapatay sa puso ko araw araw yung isipin na "BAKA MAY MAHAL NA SIYANG IBA".!Muling nag salita si Sarah na mas kinaluwag at ikinalma ng puso ko.

"Im so sorry mahal,Im sorry kung nagawa kitang pag alalahanin ng matagl,Im sorry dapat di ko ginawa iyon,Alam ming mahal na mahal kita,at masakit din sa akin lahat ng nagawa ko,pero mahal sana payagan mo akong makabawi.Sana hayaan mo kong ipakuta sa iyo kung ano pa man ang kaya kong gawin kahit mag kalayo tayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IKAW AT AKO (TARAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon