Pusong ligaw

947 82 31
                                    

BACK TO MANILA
(TANCH POV)

Naging maganda ang buong Photo shoot namin sa Malaysia,halos hindi ako naka ramdam ng pagod sa 3 araw na trabaho,mas lamang pa nga ang pasyal,at mas doon pa ako napagod pero I must say I really enjoy Hugo's company,ok naman pala siya kasama,mabait,simpatiko at talaga naman kahit sinong babae ay mapapa ibig niya,pwera na nga lang ako,si Sarah pa rin ang nasa isip ko sa bawat araw na hindi ko siya kasama at nakaka usap,hindi ko na din alam kung ano ba ang estado ng relasyon namin ngayon.Ewan ko din kung iniisip ba niya ako o na mimiss o mahal pa ba niya ako...Ano ba ang nangyari kay Sarah.Bakit bigla siya nag bago?Bakit bigla siya nanlamig?Bakit niya ginagawa ito?Bakit sinasaktan niya ako ngayon.?
Madaling Araw ng lumapag kami ng Pinas,agad na dumeretso sa early shoot niya si Hugo at pinahatid na lamang kami sa kanyang driver.
Pag dating ko sa bahay agad kong tinawagan si Abby para mag tanong about sarah.

(phone ringing)

"Hi abby si Tanch toh,im just hoping na may balita na kay Sarah kamusta na siya,hindi kasi niya ako tinawagan since nung last na usap namin sa airport"tanong ko kay abby sa tono na nag aalala.

"Hi Tanch,naku sorry hah di pa din kasi siya tumatawag sakin,,kahit kay faye wala pa din siyang update,try to call her ate sure ako naka tawag na si Sarah sa kanila."

"Ganun ba,sige subukan ko na makatawag sa ate niya,Salamat hah,sorry sa abala ng ganitong oras."

"Ano ka ba,its ok,babalitaan na lang kita in case na tumawag siya,siguro busy pa kasi diba medyo mabigat din naman ang trabaho niya doon,tatawag din yun,hindi ka naman matitiis ni Sarah."

"Sana nga..O sige na baka naabala na kita..See you soon."

Ibinaba ko na ang call,at humiga sa kama,inisip kong baka busy lang talaga siya,pero nagtatalo ang binubulong ng puso ko na may iba kay Sarah,alam kong may iba sa kanya,ramdam kong may tinatago siya sa akin,nakita ko sa mga mata niya that day yung bigat at hirap,alam kong may gumugulo sa kanya,at hindi ako papayag na mas lumala pa ito.Ako na ang gagawa ng paraan para mag kausap kami,.Aayusin ko kung ano ma n ang problema meron kami.

(aftet 3 days)

Wala pa din akong balita sa kanya mag iisang linggo na ng umalis at mag hiwalay kami.Nahihiya naman akong tumawag sa ate niya,paano ko kaya matatawagan si Sarah,mababaliw na ako kakaisip kung ok.lang ba siya,kung kumain na ba siya,o baka napapagod at nag papalipas siya ng gutom,ang hirap ng sitwasyon na ganito lalo na kung alam mong may problema,alam mong iniiwasan ka.Naisip ko din na baka kinausap siya ng Mommy at sinabihang iwasan ako,nahuli ko kasi ang tingin ni mommy kay Sarah nung hatakin niya ako palabas ng ladies room,parang may laman ang mga tingin niya na parang sinang ayunan ni Sarah.Hindi kaya totoo ang kutob kong si mommy ang dahilan kung bakit ganito kami ni Sarah.

Dahil hindi ko na malaman ang gagawin at talagang apektado na ako ay di na ako nag dalawang isip na mag tanong sa mommy tungkol kay Sarah.
Bumababa ako at pinuntahan si mommy sa kusina na nag hahanda ng dinner namin..

"o Tanch tama lang ang baba mo anak,malapit na ako matapos."

"Mom pwede ba akong mag tanong"?

"Oo naman anak sige ano ba yun"?

Kinakabahan man ako dahil baka magalit ang mommy sa akin ay pinilit ko pa din na maitanong sa kanya ang gusto kong malaman.

"Mommy kasi gusto ko lang mag tanong about Sarah,Kinausap mo ba siya?May sinabi ka ba sa kanya?o pinag bawalan mo ba siya?Its been a week since our last talk at nakita mo iyon...Nakita ko din kasi kung paano kayo nag katinginan ni Sarah,nakita ko kung paano mo siya kinausap sa mga mata at kung paano siya sumahot sa iyo.Pls mommy let me know,kung ano nangyayari ."

IKAW AT AKO (TARAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon