(Australia)
Sarah POV
Napaka ganda ng kalangitan,ang liwanag ng buwan,ang kislap ng mga bituin at ang mga bulalakaw na animoy nag uunahan sa pag bagsak sa kalangitan sa kanila ko itinuon ang aking isip dahil sa naiilang ako sa sitwasyon namin ni Nichole.Alam ko ramdam ko may tinatago si Nichole sa akin,may gusto siyang sabihin na di niya masabi.Ramdam na ramdam ko si Nichole pero paano ko sasabihin na may ibang laman na ang puso ko na ang hiling ko noon sa hiling ko ngayong gabi ay mag kaiba na..
"Napaka ganda ng langit ngayong gabi diba,sa dami ng bulalakaw na nakita ko sana matupad lahat ng hiling ko." sabi ko kay Nichole na alam kong nakatitig sa akin.
Ramdam ko pa din na nakatingin lang siya sa akin kaya sinubukan ko siyang lingunin,na siya naman pag iwas niya at yumuko na parang may kinukubli.
"ok ka lang ba Chin?may nasabi ba akong mali?"tanong kp sa kanya habang sinasalinan ko ng wine ang baso niya.
"Wala naman huwag mo ako intindihin,ang mahalaga ay ok ka ngayon,gusto ko masaya lang tayo,so cheers Rha,for the friendship we had,cheers for your happiness and a successful career dito sa Australia.."
"Thank you Chin,,cheers also for your happiness and sa career mo din,and Thankyou for spending your free days with me,I really appreciate it."
Kahit naiilang ay nag patuloy kami sa kwentuhan at pag balik sa nakaraan.Mag hahating gabi ng mag aya na ako bumalik sa hotel,may iilan pang nakatambay at nag iinuman ng umalis kami,habang pabalik ng hotel ay parang wala sa sarili si Chin..malalim ang iniisip at malayo ang tingin,ni hindi niya nakita ang paparating na sasakyan na muntik na siyang mahagip,agad kong hinatak si Chin palapit sa akin palayo sa kalsada kung saan my mabibilis na sasakyan na dumaraan.Halos kinabog ang dibdib ko sa nangyaring iyon at napahigpit ang yakap ko sa kanya.Nang makalayo ang sasakyan na muntik ng makahagip kay chin ay tinanong ko kung ok lang siya na saktong nakatitig lang siya sa akin.
"Ok ka lang may masakit ba sa iyo?Bakit ba kasi tatawid ka eh hindi naman dyan ang way natin."asar kong tanong sa kanya.
Hindi sumagot si Chin bumitaw siya sa pag kakayakap sa akin at nag patuloy sa pag lalakad.Hinayaan ko lang siya,alam ko kung ano ang iniisip at nararamdaman niya.Alam kong may iba sa kanya at kasalanan ko iyon.
Parang isang oras kami nag lalakad pabalik ni Chin sa hotel napakatagal ng mga sandaling pinag mamasdan ko siya habang dahan dahan at tahimik na nag lalakad.Malayo man ang iniisip ngunit ramdam kong nais niya akong kausapin,may kung anong malaking bagay na nakaharang sa aming dalawa,parang mga pader na pilit na nag dudugtong dugtong sa bawat pag usad ng aming mga paa.Gusto ko man na maunang mag salita at mag umpisa ng usapin ay pilit naman siyang lumalayo sa tuwing hinahabol ko ang bawat hakbang niya.Tuluyan ko ng hinayaan si Chin,alam kong kailangan niya mapag isa.Bago pa kami pumasok ng hotel ay nag paalam akong mag papahangin muna sa pool area ng hotel.Tumungo lang si Chin at ngumiti.
Umupo ako sa di kalayuan ng pool area,Ano na naman ba itong pinasok ko,hindi ko pa nga naayos yung samin ni Tanch heto naman ako sa papasukin kong problema kay chin.Ang hirap lang sa pakiramdam na yung babaeng minamahal ko ngayon ay alam kong nasasaktan ko sa hindi ko pag paparamdam,at ang babaeng minahal ko noon ay nasasaktan habang nakikita akong malungkot at nangungulila sa pag mamahal ng iba.
Dalawang oras akong nanatili sa pool area,ayoko na kasing datnan pang gising si Chin.Inabot na din ako ng pagod at antok kaya nag decide na akong umakyat at baka sakaling tulog na siya.Dahan dahan akong pumasok sa kwarto at dahan dahan din akong kumilos.Maliwanag ang buwan ng gabing iyon,na siyang nag bibigay ng liwanag sa kwarto namin,binuksan ko ng bahagyan ang kurtina para saglit na silipin ang buwan.Parehas ba kami ng tinatanaw ngayon ni Tanch,kita din kaya niya ang liwanag ng buwan at mga bituin,dumaan din kaya ang mga bulalakaw sa kanyang mga mata na dumaan kanina sa aking mga mata.Parehas kaya kami ng langit na tinatanaw,at parehas pa din kaya kami ng nararamdaman.?Parehas man o hindi desidido na akong tawagan at kausapin siyang muli,desidido na akong suwayin ano man ang napangako ko sa Mommy niya,desidido na akong ituloy ang lahat ng naputol sa amin,sana kung nakikita mo man ang lahat ng natatanaw ko ngayon sa langit ay ihatid ng liwanag nila ang mensahe ng puso kong nangungulila sayo.
BINABASA MO ANG
IKAW AT AKO (TARAH)
FanfictionDalawang pusong lihim na nagiibigan.Hanggang sa huli ba ay kaya nilang ilaban ang isatisa.o ipapaubaya na lamang ang mga puso sa iba.