HILING NG PUSO

924 84 11
                                        

Hindi ko alam kung Ano mararamdaman ko nung narinig kong may pangalang binabanggit si Sarah,may kurot sa dibdib may kung anong kirot akong naramdaman,Hindi ko alam pero alam kong nasaktan ako,at gusto kong malaman kung anong klaseng sakit iyon.

Nagising ako na wala na si Sarah sa kabilang kama.Saan naman kaya iyon nagpunta,I checked my phone at may message siya na..

"Meet me at the beach.."

Agad akong nag ayos at nag tungo kung asan si Sarah,,,malayo pa lang ako ay tanaw ko na siya na sinasabayan ang alon,agad kong nakita ang mga gamit niya kaya doon na din ako naupo,Kitang kita ako ang pag eenjoy ni Sarah,kita ko kung paano siya sumabay sa alon,ganyan na ganyan din siya sumabay  sa lahat ng problema niya noon.Yung papatangay lang siya at bahala na kung saan mapadpad.Pero ibang Iba na siya ngayon.Si Sarah na dating may tinatago ngayon ay bukas na para sa lahat ng pag kakataon.Matagal din ako nag hintay na umahon siya sa tubig..nakita ko na papalapit at naka ngiti siya sa akin.Agad kong iniabot ang towel na pampunas niya sa kanyang katawan.

"Maaga ka ata nagising RhaRha"?

"Medyo,Ramdam ko hang over kaya lumusong ako sa tubig,nagising ako sa hampas ng mga alon."

"Ikaw naman kasi eh nag pakalasing eh,pwede naman dahan dahan lang."

"Sus,,si Chinchin,,ok.lang yun nag saya naman tayo eh diba?"

"Oo naman..yun nga lang pinahirapan mo akong iakyat ka ng room."

Pabirong sabi ko kay Sarah..Mas lalong namula ang mukha ni Sarah.

"Nakakahiya talaga,,di ko na nga namalayan na bumalik tayo sa hotel,nakakahiya talaga sayo."

"Sus parang iba naman toh,ok lang yan,,walang kaso yun..."

"Ah chin wala na ba ako ginawang ibang kahihiyan,alam mo na,nag tawag ba ako ng uwak,or nag drama"?

Ngumiti lang ako kay Sarah,mga ngiting lalong nag pa pula sa mukha niya.Alam kong hiyang hiya siya.Kaya tumayo ako at hinatak ko siya papunta sa dagat bitbit ang mga surfboard namin.Bago pa man kami sumabay sa sayaw ng alon ay may sinabi ako sa kanya.

"Rha,gusto ko ipaanod mo lahat ng nararamdaman mo ngayon sa mga alon na iyan,gusto ko ipatangay mo ang sakit at lahat ng iniisip mo ngayon.I know may dinadala ka,ramdam ko iyon,ano man iyan,alam ko naman na alam mo kung ano ang dapat mong gawin.So tara,ibigay natin sa mga alon lahat ng sakit."

Inilahad ko ang aking kamay sa kanya.Agad naman siyang humawak dito,at sabay kaming sumulong sa tubig,Hinintay namin ang pinaka malaking alon na dumating.Sabay kaming tumayo at sinabayan ang bawat sayaw ng alon.Naging masaya ang mga oras na iyon,nakita kong pinalaya ni Sarah lahat lahat ng sakit at pangamba na alam kong bitbit niya mula pinas.Sa bawat sampa niya sa alon kita ko ang dahan dahang pag labas ng mga tunay na ngiti na noon ko pa na mimiss.Hinayaan ko lang si Sarah,hanggang sa tuluyan na niyang napaanod lahat ng dala dala niya.
Matindi na ang sikat ng araw ng ayain kong umahon at mag lunch si Sarah.Napansin niyang may mga inaayos na maliliit na parang bonfire sa buhanginan..

"Anong meron Chin,para saan ang  mga yan..?

"I think para sa celebration mamaya,not sure pero alam ko bonfire camp night ang tawag nila,first time daw gagawin dito.Gusto mo ba mag pa reserve tayo ng slot"?

"Oo ba,gusto ko kaya yan,"

"At saka ang rinig ko,fullmoon daw mamaya at maaliwalas ang langit kaya maganda din mag star gazing."

"Naku mukhang masaya ang mangyayari mamayang gabi,less alak nga lang,parang di ko pa kaya..hahaha".

Natawa din ako sa sinabi ni Sarah,mabuti naman at siya na mismo ang sumuko sa alak,pero totoo mukhang magiging memorable ang mangyayari mamayang gabi.Nag pa reserve na din kami ng slot namin para sa event mamaya,after namin mag lunch ni Sarah ay nag decide kami mag pahinga dahil alam namin magiging mahaba ang gabi namin mamaya.

IKAW AT AKO (TARAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon