Lipad na mga Puso

1.3K 81 22
                                    

Tanch POV

Nagulat ako ng makita namin ni Sarah ang sasakyang nakaparada sa harap ng bahay namin,Ano ang ginagawa ni Hugo sa amin,Ano na naman kaya ang mangyayari

"Mahal bakit nandyan si Hugo"? tanong ni Sarah habang nakatingin sa sasakyan na nasa tapat ng bahay.

"Hindi ko din alam mahal kung bakit nandito si Hugo,marahil may inooffer na naman na project kay mommy".

Sagot ko kay Sarah na pilit pa din itinatago ang inis.Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari pag pasok ko ng bahay,hindi ko alam kung ano ang isasalubong sa akin ni Mommy,pero bahala na.Hindi na pinilit ni Sarah na pumasok,ipinaalala na lang niya sa akin na kumalma lang ako at huwg na huwag sumagot kung sakaling magalit si Mommy.Pag pasok ko sa bahay ay si Hugo agad ang una kong nakita,agad siyang tumayo ng makita niya akong pumasok.

"Good Evening Tanch,kamusta ang bakasyon mo?"

"Ok naman masayang masaya,iba kasi pag ang kasama mo yung mahal mo."

Sagot ko kay hugo na may pang iinis,nakita kong kumunot ang noo niua,at alam kong inis siya sa sinabi ko,pero wala akong pake,mas gusto ko ngang mainis siya ng tigilan na din niya ako.Dapat siguro ay inisin ko pa siya ng inisin.

"Ano ba ang ginagawa mo dito?Saka nasaan ang mommy?tanong ko sa kanya na may halong inis.

"Umakyat lang siya saglit sa room niya,may mga papers lasi na kailangan niyang pirmahan about sa contract mo.?

"About sa contract ko?eh bakit ikaw pa mismo ang nagdala dito,pwede naman yung mga tao mo sa agency ang gumawa niyan.Napakasipag mo naman ata,pati pagiging messenger pinasok mo na.!"pang iinis na sabi ko sa kanya.

Nakita ko muling kumunot ang noo niya saglit pero binawi iyon ng ngiti ng biglang nag salita ang mommy.

"Tanchellie kadarating mo pa lang eh ganyan na agad ang pakitungo mo kay hugo."si mama na tila galit sa mga narinig niya sa akin.

"Mommy im just asking him kung bakit siya pa ang nagdala ng mga contract na yan,As CEO parang di naman ata bagay at parang wala na sa lugar yung pagiging hands on niya."Sagot ko kay mommy na medyo naiinis.

"At saka wala naman masama sa tanong ko eh.diba Hugo?

"Yeah,ok lang naman saka ganito naman talaga ako sa mga talent namin na importante sakin.i mean iniingatan ko talaga."sagot ni Hugo sabay ngiti sa akin.

Nainis ako sa sagot niya,alam kong may gusto siyang ipahiwatig alam kong may gusto siyang iparating,mas nainis pa ako ng makita kong na impress na naman niya ang mommy,sa simpleng salita na alam ko naman na pang bobola heto ang mommy na parang na nonood ng teleserye live.Ano ba naman buhay ito,Paano ba ako makakatakas sa mundong nais ni Mommy para sakin.

"Ganyan dapat ang pinipili makasama habang buhay,masipag,madiakarte,maalalahanin at higit sa lahat mapag mahal.Ideal guy ng lahat."sambit ni mommy na parang inirereto pa si Hugo sa akin.

"Naku thank you po Tita at nakikita niyo na ganun ako,sana lang ganun din ang tingin ni Tanch sa akin."

"Abay sigurado akong nakikita din ni Tanch iyon,diba anak"?

Alam ko na ang gustong ipahiwatig ni Mommy,at alam ko din ang gustong iparating ni Hugo,bakit ba naman nag join force ang dalawang ito lalo lang ako mahihirapan lumabas sa mundong napasok ko.Kung pwede lang sana mag backout sa lahat ng projects namin ni Hugo ginawa ko na.

"Ewan ko lang hah,hindi kasi ako naghahanap ng ideal guy."(ideal girl pwede pa)...mahinang sabi ko.

Napatingin sa akin si Mommy at pinandilatan ako ng mata.Alam ko na ang gusto niyang sabihin,pero ayun naman ang totoo.Isang IDEAL WOMAN ang nais ko,nais kong makasama,isang babaeng mag mamahal sa akin ng totoo,Masipag,family oriented reponsible,may pangarap sa buhay,at alam kong mamahalin ako ng lubos,in short si SARAH.Si Sarah lang ang gusto ko,si Sarah ang perfect para sa akin.

IKAW AT AKO (TARAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon