HULING NGITING KASAMA KA
Isang linggo din kami ni Tanch namalagi kasama ang pamilya ko.Puno ng tawanan,ang bawat araw na kasama namin siya.Sinisigurado ng pamilya ko na hindi mararamdaman ni tanch kahit ilang segundo ang malungkot,alam ng pamilya ko ang lahat,na ikwento ko yun ng minsang maaga ako nagising at gising na din sila.Alam nila ang sitwasyon namin ni Tanch sa mommy niya.Nalungkot man sila,sa nalaman nilang pag tanggap sa akin ng Mommy ni Tanch ay di pa din sila nag bago ng pakikitungo kay Tanch..ang dahilan ng Tatay eh,sila na lang daw ang yayakap sa amin,at ang sabi naman ng Nanay ay patuloy niya kami ipag dadasal na matanggap na ng lipunan ang mga tulad namin ni Tanch na nag mamahal lang ng tunay,alam daw niyang may pag mamahal at pag unawa ang puso ng Mommy ni Tanch.Masaya kami umalis ni Tanch sa bahay.,ang alam niya ay uuwi na kami ng manila,pero ang totoo dadalhin ko siya sa dream destination namin dalawa…Dadalhin ko si Tanch sa Albay,gustong gusto niya makita ang Mayon,gustong gusto niya ma experience yung mga extream adventure na meron sa Albay.Nasa byahe na kami ng magsalita si Tanch.
“Love nakakalungkot lang na after natin maging masaya,lulungkot naman tayo dahil pauwi na tayo,babalik na ako sa magulo kong mundo.”malungkot na sabi ni Tanch sa akin.
Gusto ko sana siya I surprise at huwag muna sabihin pero nalulungkot ako makita siyang malungkot..
“Sino ba kasi nag sabi mahal na uuwi na tayo..na babalik kana sa magulong mundong sinasabi mo.”
Pag kasabi ko nun ay biglang angat ng ulo niya mula sa pag kakahiga sa balikat ko..Nag ningning ang mga mata ni tanch alam kong masayang masaya siya.
“Talaga ba love..eh saan namn tayo pupunta.?Saka paano yun matagal mo na ba tong plano?ikaw talaga love ang dami talaga pa surprise..”makulit na pag tatanong niya.
Ngumiti lang ako,at tumahimik..di na din nag tanong si Tanch at alam na niyang di ko din naman sasabihin kung saan ko siya dadalhin.ilang oras din ang byahe namin mula samin probinsya hanggang sa bayan ng Albay,hindi namalayan ni Tanch kung saan kami papunta dahil tulog siya sa buong byahe,at kung magising man siya at mag tanong ang lagi kong sagot malayo pa kami sa manila…Halos anim na oras ang nilagi namin sa byahe,ginising ko si Tanch nung makarating kami mismo sa bayan ng Albay.
“Mahal gising na bababa na tayo”pabulong na gising ko kay Tanch.
“Hah?Manila na,bakit naman hinayaan mo ako matulog buong byahe love”.nakasimangot niyang tanong.
“Alam mo naman na ayaw kong ginigising ka pag mahimbing ang tulog mo diba”?
Tumayo ako para kuhanin ang mga bag na nasa taas ng bus,hindi pa din alam ni Tanch kung asan kami dahil nakababa ang mga kurtina at nakababa na din ang halos lahat ng pasahero nung ginising ko siya.Inaya ko na siyang tumayo at bumaba.Medyo wala pa siya sa sistema ng magulat siya sa nakita niya sa labas ng bus na sinakyan namin,napatingin siya sakin saka ako kinurot ng marahan sa tagiliran.
“Kahit kailan ka talaga Sarah Garcia,lagi mo na lang ako binibigla.”
“Ayaw mo pang umuwi diba,eh di dito muna tayo sa Albay.”
Kinindatan ko siya sabay hawak sa kamay niya at sabay kami nag lakad patungo sa mga naka antabay na mga tourist guide sa Bus Terminal,Maganda ang nakuha naming accomodation kaht biglaan lang mabuti ma lang at hindi peak season.Habang nasa byahe kami papunta sa hotel na tutuluyan namin ay natanaw ni Tanch ang Mayon na talaga naman napaka ganda.
“Sa Tv at pictures ko lang dati nakikita ang mayon,ngayon makikita ko na siya ng malapitan.”nakangiting sabi ni tanch sa tour guide na nasa harap ng Van.
“Naku Maam siguradong masisiyahan kayo sa pag stay niyo po sa Albay,at sigurado po akong babalik at babalik po kayo.”sagot ng Tour guide na giliw na giliw kay Tanch.
Sigurado naman akong masisiyahan siya sa tatlong araw na pag stay namin dito,gusto ko naman sulitin iyon,Alam kong mabigat ang magiging kapalit nito pag uwi namin ng Manila.Ilang minuto lang ang layo ng Hotel sa Bus terminal sa bayan,at dahil normal na season ay nakapili kami ng magandang kwarto na over looking ang Bulkang Mayon.Pag pasok namin sa kwarto ay nahiga agad sa kama si Tanch na parang puyat at pagod na pagod,kahit buong byahe ay tulog naman siya.
“Mahal mag pahinga ka muna mamayang hapon lalabas tayo,may maganda daw na tourist spot malapit dito,at may malapit din na kainan na sure daw na magugustuhan natin.”
“Talaga ba love?mukhang mapapasarap ang kain ko nito,at sure akong uusok ang ilong at bibig ko sa anghang ng mga pagkain nila na I seserve.”
“Sure na sure ako dyan mahal,eh paborito mo pa naman ang spicy foods sure ako di ka na naman makakausap mamaya.”
“Uy love grabe di naman ako ganun katakaw hah.”depensa ni Tanch sabay kindat at ngiti.
Pinag masdan ko si Tanch,kitang kita ko sa mukha niya ang saya,ewan ko pero natatakot ako na pag uwi namin sa manila ay tripleng lungkot ang kapalit nito.
Agad kong inalis sa isip ko ang lahat ng negatibong scenario na nabubuo sa aking kaisipan,Nang mahimasmasan ako,ay muli akong nagpaalam sa kanya na lalabas at aayusin ang tour namin bukas.Agad naman siyang sumangayon,at nag paalala na huwag kong kalimutan ang mga extream tourist spot.Agad akong lumabas ng kwarto para makapg ayos na ng mga gagawin namin bukas.Kinuha ko ang alam kong magugustuhan ni Tanch.Pag katapos kong maayos ang tour schedule namin,ay ginawa ko na ang tunay na dahilan kung bakit ako nag paalam kay Tanch na lalabas muna,yung ang tawagan ang Mommy niya para ipaalam kung nasaan kami at kailan ko iuuwi si Tanch gaya ng napag usapan at ipinangako ko sa kanya.
(phone ringing)
“Hello tita si Sarah po ito.”
“Mabuti naman at tumawag ka,tatawagan na din sana kita,kamusta ang anak ko?
“As a promised tita na irereport ko po ang lahat lahat sa inyo.Mabuti po si Tanch ,masaya at mukha namn ok na ok siya Tita.
“OK good,mabuti naman,at sana pag balik niyo dito tuparin mo lahat lahat ng pangako mo Sarah.”
“Opo tita asahan niyo po.”
Ibinaba agad ni Tita ang tawag ko,alam kong di siya komportable na kausap ako kaya nag kibit balikat na lang ako,mabilis ako bumalik sa kwarto para sabihin at ibalita sa kay Tanch ang mga pupuntahan namin dito sa Albay.Pag ka rinig na pag ka rinig niya,agad agad niya akong niyakap.
“Iloveyou love alam na alam mo talaga ang gusto ko eh.Excited na ako para bukas.”
“Mukhang hindi ka makakatulog niyan sa sobrang excitement mahal,masaya akong masaya ka.Mag eenjoy lang tayo habang nandito tayo.”
Agad din kami nag ayos para lumabas at mamasyal sa parkeng malapit sa hotel namin,Parang bata lang si Tanch na panay ang palitrato sa lahat ng makita niya,sa puno,sa mga halaman,sa Light Post at kung saan saan pa.Pati sa pag kain ay panay pa din ang kuha niya ng pictures at panay ang selfie hinayaan ko lang siya yun lang naman ang gusto ko,Ganun na ganun na Tanchelie ang nais kong nakikita araw araw,pero paano na pagkatapos ng tatlong araw paano na?Maaga kami natulog para hindi ma late sa schedule ng tour namin.At gaya ng inaasahan si Tanch ang unang nagising dahil sa excitement.Pag kababa namin sa lobby ay nag breakfast muna kami para may lakas sa buong araw na lakad namin.Gusto ko pa sana kumain dahil maaga pa naman pero panay na ang hila sa akin ni Tanch.
“Love tara na,,alis na tayo,tama na kasi yan.”pilit na pag hila niya sa akin.
“Mahal naman eh ang aga aga pa at saka gutom pa ako,gusto ko pa kumain.
“O siya,sige na mamaya na tayo umalis,gawin mo na kayang tanghali,mukhang gutom na gutom ka eh”.Sagot niya sa akin at padabog na umupo sa tabi ko.
Gutom man ako,agad naman akong tumayo at binuhat ang bag para umalis na.
“oh saan ang punta mo?diba gutom ka?kain ka pa!”
“Talaga tong si Mahal eh,tara na alis na tayo,may madadaanan namn tayong kainan sakaling magutom ako,saka excited na din naman ako.”pag lalambing at pag aamo ko sa kanya.
“Talaga aalis na tayo?”
“Oo nga mahal tara na”
Agad na tumayo si Tanch at sabay humawak sa mga kamay ko,Pag labas namin ng hotel ay nag aabang na pala sa amin ang tour guide na naka assign sa amin.Ang una naming pinuntahan ay ang kawa kawa hill at hayop hayopan cave.Halos di maipinta ang mukha ni Tanch sa pag ka mangha sa mga nakikita niya.Pag katapos namin mananghalian ay nagpunta naman kami sa Daraga church,kasunod ang Legaspi Boulevard at pang huli ang sleeping lion.Sa sobrang pagod ay parehas kaming nakatulog ni Tanch pabalik ng hotel.Ginising na lamang kami nung nakarating na kami,pag baba namin ng sasakyan ay agad kaming kumain dahil sobrang gutom na kami sa buong mag hapon,lalo na si Tanch na halos di kumain dahil excited sa mga makikita niya.Pag katapos ng hapunan ay agad kami nag pahinga dahil alam kong mas mapapagod siya bukas.
“Oh mahal mag pahinga ka kasi sigurado akong mapapagod ka ng todo bukas.”
“Talaga love,saan ba destination natin bukas.?
“secret love basta mag pahinga na tayo.” Aya ko kay tanch sabay patay ng ilaw.
Agad naman nakatulog si Tanch marahil sa sobrang pagod na din saag hapon.
Tulad nung una si Tanch pa din ang unang nagising sa amin at tulad din nung una nagmamadali pa din siya sa pag kain at pag alis.Hindi pa din niya ako tinitigilan sa mga tanong kung saan kami pupunta ngayong araw at kahit ang tour guide namin ay kinukulit niya.First stop namin ang Mayon Skyline na talaga naman pinanabikan niya,at walang takot na sumubok sa extreme adventure doon.Sumunod na pinuntahan namin ang Vera falls ,napaka ganda ng lugar at iilan lang kami naroon kaya na enjoy namin ang pag swimming at pag bababad sa malinaw tubig,nag request ako na wag na pumunta sa last stop dahil mas gusto namin lumangoy at mag relax sa falls.Napaka sarap sa pakiramdam na kasama ko si Tanch sa ganung klaseng lugar at pag kakataon,nakakalimutan ko kahit papaano ang posibilidad na mga pangyayari na di namin maiiwasan pag pabalik ng manila.Pag balik namin ng hotel ay agad nag ayang mag pahinga si tanch.Mas na nabik siya sa nalaman niyang pupuntahan namin kinabukasan.Iyon kasi ang ang talagang pinunta namin doon ang makita ng malapitan ang Mayon at ang ATV adventure na gusto niya masubukan.At gaya nga ng inaasahan ko hindi siya nakatulog ng maayos sa sobrang excitement,Walang pag sidlan ng saya si tanch ng marating namin ang pinaka malapit na pwesto para makita ang Mayon at sabi nga ng tour guide namin na napka swerte namin dahil nagpakita ng bahagya ang Mayon dahil ilan araw na daw itong natatakpan ng makakapal na ulap.Pero mas nanabik si Tanch saa ATV adventure na kasama sa package na kinuha ko.Gustong gusto ko ang mga ngiting iyon,hindi peke,totoong totoo,alam kong masayang masaya,at iyon naman ang goal ko.Habang nag eenjoy si Tanch ay siya namang abala ko sa pag kausap ng manager ng hotel para sa pinahanda kong candle light dinner sa terrace ng kwarto namin na tanaw ang mayon.Nag pahanda ako ng Ilang putahe na alam kong magugustuhan niya,at isang bote ng red wine.Nang masigurado ko na ok na ang lahat at sinamahan ko na si tanch sa pag eenjoy sa huling tourist spot namin.Heto na ata ang pinaka masayang araw namin mag kasama ni Tanch.Mag didilim na ng makabalik kami sa hotel.Inaya kong mag ayos na si Tanch dahil kakain kami sa labas pero ang totoo eh I sesetup lang nila ang kwarto namin.Nag dahilan na lang ako na sumama ang pakiramdam ko at gusto kong bumalik sa hotel ng malaman kong all set na ang lahat.Na guilty man ako dahil kita ko ang pag aalala niya natabunan naman ito ng excitement para sa surprise candle light dinner ko para sa kanya.Pag dating namin sa hotel ay agad kami nag tungo sa kwarto at pag ka bukas niya ang pintuan ay mga petals sa sahig ang sumalubong sa kanya.
“Sinasabi ko na nga ba eh,hindi ka talaga nauubusan ng gimik love,araw araw at oras oras mo akong pinapakilig.”maluha luhang sabi ni tanch sa akin.
“Anything for you mahal alam mo yan,lahat gagawin ko mapasaya ka lang.”
Niyakap ako ng mahigpit ni Tanch at hinalikan sa labi.
“Thank you love.I love you.” Malambing na bulong niya.
Agad ko naman sinagot ng mahigpit at marahan na halik si Tanch
“I love you too mahal.”Tara kumain na tayo,may gagawin pa tayo after.”sabay kindat ko kay Tanch
“Loka,tara na kumain na tayo”.
Habang pjnagsasaluham namin ni tanch ang mga pagkain na pinahanda ko ay panay namn ang kwentuhan namin sa mga nangyari sa amin ng buong araw,tawanan at asaran ang ginawa namin ni tanch habang kumakain.Nang makatapos kami ay binuksan ko ang bote ng wine at agad na nilagyan ang baso niya.Halos wala pang isang oras ay naubos na namin ang wine,nag paalam akong lalabas at isesetle ang bills para dretso na kami ng uwi bukas.Pag balik ko ng kwarto ay nakatayo si Tanch sa terrace habang nakatanaw sa Mayon.Agad akong lumapit at yumakap mula sa kanyang likod.
“Anong iniisip mo mahal bakit parang malungkot ka ata.”
“Hindi naman mahal iniisip ko lng ang mommy sa manila?
Hindi ako nagsalita,hinigpitan ko lang ang pag kakayakap ko sa kanya.Humarap sa akin si Tanch at tinitigan ako sa mukha.Iba ang mga tingin na iyon,kitang kita ko sa mga mata niya ang lubos na kasiyahamn at pag mamahal,kitang kita ko na ako lang ang mahal niya at wala ng iba.Nagulat ako ng bigla niya akong halikan ng mariin at punong puno ng pananabik,ihinila niya ako papasok sa kwarto at tinuloy ang pag halik sa akin,Sinagot ko ang bawat halik at haplos ni tanch na punong puno din ng pagmamahal at pananabik.Iba ang mga halik ni Tanch,nakakapaso parang may kung anong init sa buong katawan niya,Ikinagulat ko ang pagiging agresibo niya na ngayon ko lang naramdamn,yung init ng yakap at halik yung sabik na ramdam na ramdam ko sa bawat pag dampi ng kanyang labi sa aking labi at katawan ay ngayon ko lang naramdaman.Hindi ko alam kung sasabayan ko ba siya o hahayaan kong maging kanya ang gabing ito.Napadilat ako sa nang maramdamn kong tumigil siya at nakatitig lamang sakin.
“Bakit mahal?may problema ba?
“Wala love I just want to stare the most precious gift I ever receive,.mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal din kita.”
Pag kasabi ko nun ay agad akong hinalikan ni tanch sa labi,ngayon ay marahan at dahan dahan.Puno ng pag ibig at pag galang.Na pinaramdam ko din sa kanya.Heto na ata ang pinaka memorable night namin dalawa.Special and a Sweet night na pinagsaluhan naming dalawa.Naging mahimbimg ang tulog namin ni Tanch,medyo nahuli kami sa takdang oras na dapt na alis namin sa hotel para makapag tour pa sa mga souvenir shops sa Albay.Habang nasa sasakyan panay ang bulong ko kay Tanch tungkol sa nangyari last night na siya naman kinakapula ng mga pisngi niya.Sa tuwing naiisip ko ang gabing iyon napapangiti ako na may halong pag ka pilya ng isip ko.Namg pabalik na kmi ng manila ay prehas kami nakatulog sa sa bus magising na lang ako na nasa Edsa na kami at malapit ng bumaba.
“Mahal gising na malapit na tayo.”
Agad kong nakita ang lungkot sa mga mata niya,Alam ko ang iniisip niya kaya agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.
“Huwag ka ng malungkot,napag usapan na natin ito diba.?
“Oo love sorry di ko lang maiwasan ang mag isip talaga.”
Pag ka baba namin ng Bus ay agad kami naka pag book na masasakyan pauwi sa kanila,habang nasa byahe tahimik na nakahawak sa kamay ko si Tanch.Panay naman ang ang yakap ko sa kanya para maramdaman niyang nasa tabi lang niya ako lage.Hindi namin namalayan na nakapasok na kami sa village nila,ng malapit na kami sa bahay nila ay nakuta namin ang isang itim na malaking sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay nila.Nagkatinginan kaming dalawa.at alam kong parehas kami ng nasa isip.
SASAKYAN IYON NI HUGO!ANO ANG GINAGAWA NIYA RITO.?!?.

BINABASA MO ANG
IKAW AT AKO (TARAH)
FanfictionDalawang pusong lihim na nagiibigan.Hanggang sa huli ba ay kaya nilang ilaban ang isatisa.o ipapaubaya na lamang ang mga puso sa iba.