A little space between us.
CELINE
Hindi ako pumasok sa unang subject ko dahil alam ko na naroroon si zavios. Sa ngayon ayoko munang makita siya matapos ang nakakahiyang nagyari sa amin sa mismong bahay ko pa.
Yawa ka talaga zavios!
Ilang araw akong walang maayos na tulog dahil sa eksenang iyon ng nakaraan, gustuhin ko mang kausapin siya at tanungin sa mga bagay na palaisipan sa akin mas namutawi sa akin ang iwasan na muna siya. Sana simula pa lang nakinig na ako kay jaycel. Sa kadahilanang hindi naman ako nakapasok sa una kong subject dumiretso na lang ako sa PE class ko at sana dito hindi ko siya makita ngunit talagang pabibo ang tadahana pati ba naman sa PE class ko kaklase ko siya. Nakakainis man dumiretso na lang ako sa court dahil doon daw kami mag tipon-tipon. Naupo ako sa kabila para lang maiwasan ko siya.
Tiningnan niya ako ngunit hindi ko siya pinansin, umakyat na lang ako sa may bleachers para doon na mismo umupo dahil akmang lalapitan niya pa ako kanina. Naramdaman ko ulit ang mga titig niya kaya inabala ko ang sarili ko. I managed to avoid his gazed god. Nakinig na lamang ako sa PE coach namin. We will take basketball for PE, which was not perfect dahil hindi ako marunong. Mukhang sisiw kang ito kay zavios dahil varsity player ang mokong, napailing na lang ako. I got bored listening to the coach after a while nag kakagulo na ang mga blockmates ko finding for a team. Dumiretso ako sa gawi nila jane ng tawagin ako nito, every group may pitong myembro. Good to know hindi ko siya kagroup!I saw three girls looking at zavios--one of them seemed especially interested in him. Zavios looked their way, and i saw the girl wink at him. I slightly chuckled.
Oh fangirls..
I was staring at the ladies while zavios looked at me. I looked back and rolled my eyes. Akmang tatalikuran ko na siya ng nakalapit na siya bigla sa akin.
"You jealous?" He asked. I just rolled my eyes again at him and walked away. Swear kailangan ko talagang alisin siya sa sistema ko, napakagulo niya.
Bali ngayon hanapan muna ng groupo sa susunod 7 vs 7 na ang laban namin. Veronica smiled brightly at zavios. Humawak ito sa braso ni zavios na ikinairita ko hindi ko alam kung bakit. Sa mismong harapan ko pa naglalandi 'tong si veron kaya imbis na sumunod sa ibang block mates ay sa gitna nila ako dumaan para maalis ang kamay na naka kapit sa braso ni zavios.
Anong akala niya kay zavios, railings amp.
"We only had a few minutes to get to class, we're gonna be late." I rolled my eyes for the third time, ibinaling ko ang tingin kay veronica ng hindi pinapansin ang presinsya ng damuho. Napukaw ang tingin ko sa bleachers kung na'san nakaupo mag-isa si richard. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Agad akong naglakad sa direksyon niya at iniwan sila zavios. Tutok ang paningin nito sa cellphone niya, kaya hindi niya napansing nakalapit na ako.
"Alone?" I said smiling at him. Inaangat niya ang tingin sa akin ng sisilay na sana ang ngiti sa kanya ng makita ako ngunit bahagya itong napakamot sa ulo ng itinuon niya paningin sa direksyong patungo kila zavios. Tumayo ito at hinarap ulit ako. Hindi ko mabasa ang mga mata niya at parang iniiwasan nito bawat titig ko.
"Ahm, hi celine. I have to go na pala. May next class pa ako e hehe." He waved his hand at dali-daling umalis sa harapan ko. Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa likod ni richard na papalayo na sa akin. Napabuntong hininga na lang ako, bakit niya ako iniwasan okay naman kami ha. naglakad na lang din ako palabas ng maramdaman kung may sumusunod sa akin, huminto ako at hinarap ang taong nasa likod ko. Dahan-dahan siyang humkbang sa akin. I hurriedly got up. I just ran out papalayo sa kanya, still iniwasan ko parin ang kurimaw na iyon.
I checked my scheduled. Next subject is Natural Science. Good thing that the class was actually just a couple of rooms away. Hingal na hingal ako at pawisan nang makapasok sa room dahil na rin sa pag takas ko kay zavios. Agad na inayos ang nagulo kong buhok. Nag lagay din ako ng powder at nag liptint. Tumabi ako kay jane kablock ko.
YOU ARE READING
Per Questo Amore
Romance"Never be completely home again when the other part of your heart will always be elsewhere."