Jealousy
CELINE
Ako ang unang kumawala sa yakap niya. Inagaw ko ang towel sa kabilang kamay niya at pinunasan ang mga pawis niya. Bahagyang ikinagulat niya ang ginawa ko, nginitian ko naman siya.
"Tangina sana all na lang." Saad ng kablock mate niyang si ford.
"Awit!" Chard spoke up, nag tawanan sila at panay asar sa amin.
"Putangina mag hahanap na nga rin ako ng magpupunas sa akin." Saad ng isang player na kateam nila.
Napailing na lang ako. Matapos ko siyang punasan ibinigay ko ang towel sa kanya.
"Congrats." I smiled.
"Thanks, u okay with that?" Sabay turo sa akin na nadampihan ng pawis niya tumango na lang ako, hindi naman ako maarte tsaka ang linis ng pawis niya walang amoy.
Tubig bukal be like, char.
"I'll just take a shower, wait for me." He spoke up busy sa towel na nilagay sa bag niya.
"Ha?" Hindi ko maintindihan kong ba't ko siya hihintayin?
"My prize." He muttered. Napalingon kami sa mga kateammate niya na tumawag sa kanya. He nodded to them and gave them a wait sign before turning his gaze back to me.
"Wait me there." He said turo niya sa bleachers sa gilid. Napatango na lang ako.
Agad na tumalikod siya sa akin at pumunta sa direkyon ng mga kateam niya hanggang sa hindi ko na sila nakita. Bumalik na muna ako sa mga kaibigan ko para mag paalam dahil hihintayin ko pa sa zavios.
"Guys, hintayin ko pa." Saad ko sa kanila.
"Galawang celine HAHAHHA." Marco and chris laughed.
"Okay, mauna na kami. Text ka na lang celine." Sambit ni sol.
Bahagya ako ngumiti sa kanila ng paalis na sila kumaway naman ako at diretsong pumunta sa bleachers sa gilid kung saan ko siya hihintayin. Binuksan ko naman ang IG ko at hinanap ang pangalan ni zavios nahanap ko naman agad at ito stalk tayo guys.
I immediately checked his profile so I would know kung ano mga laaman nun.
Zavequevax
10,788 followers edi wow.
I raised my eyebrow aba ang taray, famous ng mokong, iniscroll ko wala namang gaanong larawan. I followed him wala lang.
Nang makita ko ng papalabas siya sa pinto palihim ko siyang pinicturan kung saan nasa balikat niya ang towel at naglalakad patungo sa akin busy makipag-usap sa teammate niya. Ang cute niya fresh na fresh. Inilagay ko ito sa story ko with captions.
'Job well done, congrats dh!'👉👈
(Dickhead- DH mwhehhehe)
Inoff ko na ang phone ko pag angat ng tingin nasa harapan ko na siya. His now wearing a black short partner with a long sock na abot sa baba ng tuhod. White rubbershoes and a white sando na loose ang sa may gilid. Kitang-kita ang biceps niya sobrang hot ng katawan niya.
"Staring again." He chuckled.
"No I'm not tss." Inirapan ko na lang siya. He waved slightly his hand a sign of 'sumunod ka sakin bEh' kaya agad naman ako sumunod sa kanya. Nasa parking na kami he opened his mercedes black car, para makaupo na ako. Agad naman akong pumasok. He's on the divers seat at nag maneho kaagad. Nakakabingi ang katahimikan.
"Saan tayo?" Saad ko.
"Motel." Sa gulat ko bigla akong napatingin sa kanya at ang mokong nakangisi.
YOU ARE READING
Per Questo Amore
Romance"Never be completely home again when the other part of your heart will always be elsewhere."