NOT FORGIVEN
(DAVAO DEL NORTE PART 2)
CELINE
Naistorbo ang tulog ko ng mag ring ang phone ko, hindi ko na tiningnan kung sino ang caller basta sinalampak ko na lang ito sa tenga ko. Nakapikit parin ang mga mata ko habang pagod at iniinda ang kirot ng sugat sa paa ko.
"Celine." His voice is my weakness. Iminulat ko ang mata ko at sinag kaagad ng araw ang nasilayan ko.
Umaga na.
Dali-dali akong tumayo upang sagutin si zavios.
"Ahck." Sobrang sakit ng paa ko kaya napaupo ako sa sahig.
"Hey? fuck, are you okay?" Saad ni zavios sa kabilang linya. Pinilit kong ayusin ang pananalita ko ngunit naapektuhan ito ng sakit ng sugat sa paa ko. Sasagutin ko pa sana siya ng bigla nitong binaba ang linya. Napabuntong hininga na lang ako.
Ghosting na ba 'to.
Malungkot akong napatingin sa bintana kung saan sumisilay ang liwanag ng araw. Pangalawang araw ko na rito sa Samal Island ngunit ito ako down at sobrang bagot na ako. Hindi ko rin namalayang umiiyak na pala ako dahil sa lungkot na nararamdaman ko at sa mismong ginagawa sa akin ni zavios.
Ang drama ko ba? Napakababaw ba ng rason ko para mag ka ganito ako. Ang OA mo na celine. Walang kayo!
Pinilit kong tumayo ngunit isa pa ang rason na nag dudulot ng sakit ay ang paa ko, walang ayos ang paglakad ko kahit iapak man lang kumikirot agad. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko man magpatulong kila marco ayokong maka-kaistorbo lang ako sa kasiyahan nila, magiging sanhi pa ako ng ka KJ'an. Pipilitin kong maglakad kung kinakailangan.
Tinungkod ko ang mga kamay ko sa kama upang piliting tumayo para kahit paika-ika ako pwede akong makalabas sa kwartong ito dahil nagugutom narin ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang hingal na hingal na bulto ng lalaki at hindi mapakaling reaksyon. Nakatitig lang ako sa direksyon niya.
"Damn it celine." Panimula nito, Napabagsak na ako sa sahig ng pilitin kong lapitan siya agad naman siyang tumakbo sa pwesto ko at niyakap ako. Hindi na tumigil ang iyak ko at hikbi ko na lamang ang namumutawi sa buong silid.
"L-let go of me!" I glanced at him. Hindi matigil tigil ang luha sa mga mata ko, nilalandas nito ang puso ko kung saan sakit ang nararamdaman dahil ngayon lang siya nag pakita.
Hindi dapat ako maging ganito sa harapan niya dahil wala akong karapatang masaktan."I'm sorry." He hugged me.
"N-no" pagpipilit kong makawala sa bisig niya. Inakay niya ako sa kama at pinakalma. Nang kumalma na ako walang isang salitang namutawi sa akin, nakatitig lang siya sakin. Gusto kong marinig ang kanyang explanation kung bakit ganito na lamang siya biglang nawala na parang bula at magpapakita ng parang wala lang nangyari.
Na hindi ako nag alalala. Na hindi ko siya namiss. Na wala lang siya sa akin. Pero iba ang sinasabi ng puso ko.
"It was a plan at all. My mom dropped me off to New york for some reason. I asked your friend marco na bantayan ka for me, just to make sure na okay ka. I tried to contact you. Gusto ko ring tumakas at umuwi sayo but dad always caught me escaping behind. So I decided to call clian my brother." Mahabang explanation niya halata ang lungkot sa mata niya, sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Parang bata naman siyang lumapit.
YOU ARE READING
Per Questo Amore
Romance"Never be completely home again when the other part of your heart will always be elsewhere."