Chapter 16

3 1 0
                                    

ZAVIOS THE SUITOR.

CELINE

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng dalampasigan, hinahayaan kong tumama sa paa ko ang alon, bawat hakbang ko ay siyang nilulubog ng malambot na buhangin ang mga paa ko, madilim na ang paligid ngunit hindi makakailang makita parin ang magandang tanawin dahil sa mga ilaw na nakapaligid sa mga puno. Sari- saring turista ang nagsasayawan at nag aawitan. Tahimik parin si zavios na nasa tabi ko. Kaya ako na ang unang gumawa ng paraan upang makapag usap kami. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsakop ang bawat daliri namin, hinila ko siya at nagpahila naman siya sa akin.

Dinala ko siya sa bahagi ng beach kung saan ako nakatulog kung saan ay nagalit siya dahil sa sobrang pagaalala at kung saan binigyan ko siya ng masasakit na salita. Nang marating namin ang punong pinagpahingahan ko kagabi ay umupo ako sa gilid noon, walang tao sa bandang lugar na ito kaming dalawa lang, tamang lugar, tahimik kung saan kaming dalawa ay makakapagusap ng maayos ng walang istorbo. Sinenyasan ko siyang tumabi sa akin at ginawa rin naman niya. Nakatingin lang kaming pareho sa dagat at ni isa sa amin ay wala paring balak na mag salita.




"I'm sorry." Paglingon ko sa direksyon niya ay nakatingin na pala siya sa akin. Umusog pa ako lalo sa kanya dahil gusto kong iapply ang mga sinabi ni clian tulad ng gusto niya sa clingy side ng basta mga ganon, hinawakan ko ang kamay niya at mas idinikit ang sarili. Napahawak rin ako sa braso niya at bahagyang yinayakap ito.

Ako na ang ulirang malambing ng taon chos.


"It's okay." He said smiling, Mukhang gumana naman ang ginawa ko, naging mahinahon narin siya hindi katulad kanina na sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin, hihigitin ko na sana ang kamay ko at bibitawan ko na sana ang pagkakahawak ko upang makalayo ng kaunti sa kanya ay pinigilan niya ang mga kamay ko at pinaikot ito sa mga bisig niya upang maging dahilan na parang pagkakayakap ko sa kanya.



"Don't." Saad niya. Nginitian ko siya at tinanggal ang pagkakahawak ko. Sumilay ang inis sa mukha niya ng makitang pinagtatawanan ko pa siya tumayo ako at humarap sa kanya, tumalikod ako at umupo sa lap niya at tsaka kinuha ang kamay niyang nasa gilid upang maiyakap sa akin, mukhang nakaback hug siya sa akin habang nakaupo kami. Ang indian sit niya kanina ay kanyang inayos at pinaggilid niya ang mga binti upang mas alalayan ako ng abs niya kung saan doon ako sumandal. Nilingon ko siya ng hawakan niya ang kamay ko at iusog lalo palapit sa kanya nagulat ako ng bahagya ng may maramdaman ako na tumutusok sa likod ko. Napalunok ako at iniiwas sa kanya ang tingin. Ibinaling ko ito sa harapan, wala muling nagsasalita sa amin.



Ramdam ko parin ang pagtusok nito sa likod ko kaya hindi ako mapakali sa pwesto ko. Dumausdos ako ng bahagya para hindi 'yun maramdaman ngunit narinig ko ang pag tawa niya at inusog ulit ako papalapit sa kanya. Inilagay niya ang ulo niya sa balikat ako at mas hinigpitan ang pag yakap sa akin, bahagyang sumilay ang pag tawa niya.

"Common babe, It's just a belt not a dic---" Namanas ako sa pagkapasmado ng bunganga niya kaya tinakpan ko 'yun ng kamay ko at baka may makarinig sa amin. Pasimple akong tumingin doon at umiwa agad. Nakahinga ako ng maluwag ng belt lang pala ang tumutusok sa likod ko akala ko pa naman ay isang mandrigma na.

Mapapa ahu ahu sana ako chos.

"I will court you." Out of nowhere na giit nito, napalingon ako sa kanya sobrang lapit ng mga mukha namin. Hindi ko na naiiwas ang tingin ko ng bigyan niya ako ng smack sa lips. Pinalo ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.


"What?" He smirked.


"Anong what? Nanliligaw ka palang dinaig mo pa ang may asawa kung makahalik ha sobra ka na ha!" Pagiinarte ko ngunit sa kaloob looban ko ay hindi ko mapigilan magdiwang dahil sa saya na nararamdan ko kakaiba 'to.

Per Questo AmoreWhere stories live. Discover now