MISUNDERSTANDING
CELINE
Nakatulog pala ako sa pwesto kung saan katabi ang punong nakita, dahil sa tahimik at walang abala ay 'di na ako nakabalik kaagad at dito namahinga sa pinag tataguan ko. Madilim na ang paligid, nararamdaman ko na ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Narinig ko ang bakas ng yapak at pag wasiwas ng buhangin. Hindi mo aakalaing hangin ito dahil sa payak na tunog ng mga paang hirap sa pag lakad sa buhangin. Nang gagaling ang ingay sa likod ng punong kina sasandalan ko.
"Tangina saang Restroom ba 'yun pumunta putcha tol, tukuyan na atang nag rest" Sa tono ng pananalita ng lalaki ay may halong pag kairita at pag aalala.
"Corny ng joke mo boi" saad ng osang lalaki
"Putek lang, lagot tayo nito kila tito at tita peste naman ugh." Saad ng pangalawang boses. Nakarinig pa ako ng mga papalapit sa may pwesto ko ngunit mas isiniksik ko ang sarili ko sa gilid dahil gusto ko pang mamahinga pansamantala rito.
"Hey, Did you find her?" Sa boses na lumalatay sa kanya ay nakilala ko agad at napag alamang si zavios ang nasa bandang likuran ko kasama pala ang mga kaibigan ko. Bigla kong naalala ang pag alis ko at napabilang ng oras sa aking isipan.
Holy shit! Dalawang oras na akong hindi bumabalik.
Napahawak ako sa bibig sa pag kagulat ng mapagtatanto ko kung bakit sila balisa at taranta. Pinakiramdaman ko pa lalo sila. Dalawang oras akong wala at talagang ganito ang magiging reaksyon nila kung hindi sila kakalma. Dalwang oras ang nakalipas ng mag paalam ako sa kanila na pupunta lang ako at magrerestroom at nangyari ang tagpong iniwan ko si zavios sa kubo dahil sa walang kwentang dahilan. Biglang kumirot ang puso ko, hindi napapawi at mananahimik ang isip ko hanggat hindi ko alam ang tungkol sa kaibigan niya lang daw. Madilim na pala ang paligid.
Shit ba't ba ako nakatulog!
Inunat ko ang mga paa ko ng akmang tatayo na ako ay nakita ko ang mga paang nasa harapan ko. Saglit akong napatitig doon at unti unting iniangat ang paningin sa bulto ng taong nakatayo sa harapan ko. Hindi nga ako nag kamali dahil si zavios ito. Nanatiling nakabuka ang aking bibig dahil pakiramdam ko ay kinakailangan ko ng matinding hangin dahil sa bigat ng kanyang emosyon na mismong buong parte ng pag katao ko ay nararamdaman ito. Pakiwari ko tuloy ay may isang napakalaking pader sa pagitan namin at ang mismong panlalamig niya lamang ang pwersang sisira rito. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinakaya ang emosyong nananalaytay sa kanya.
Gusto kong malaman ang laman ng isip niya. Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya ngunit napakahirap niyang basahin.
Iniabot niya ang kaniyang kamay upang mahila ako papatayo ngunit masyadong mataas ang pride ko kung kaya't nag sarili akong tumayo habang patuloy na naiwan sa ere ang kanyang mga kamay. Masama parin ang loob ko dahil sa hindi niya pagsasabi ng katotohanan. Hindi parin siya umiimik, kaya naman ng mag tama ang mga paningin namin ay pilit kong nilabanan ang titig niya habang pinipigilan ang ang aking emosyon. Para kaming mga tanga na nag papakiramdaman sa isa't isa.
"We're almost two hours lang naman finding you, yes celine." He said sarcasticly. Naging mabigat ang aking buntong hininga, pilit kong pinapalakas ang loob ko.
"N-nakatullg kasi ako rito." Nauutal na pagpapaliwanag ko sa kanya, natatakot ako sa matinding emosyon ni zavios. Ayokong magalit siya sa akin lalo na't mahina akong mag handle ng sariling emosyon. Napakababaw kong tao.
"Sino si patricia?" Singhal ko ulit sa kanya. Lakas loob akong nag tanong. Sa wakas ay natanong ko ulit ang sinasabi ng isipan ko na nag papagulo sa aking sistema. Umaasa akong mag sasabi siya ng totoo habang iniiwasan kong gumaralgal ang boses ko.
YOU ARE READING
Per Questo Amore
Romans"Never be completely home again when the other part of your heart will always be elsewhere."