THIRTEEN

74 8 1
                                    


Ten minutes na yata akong nakatayo lang dito sa labas and until now hindi parin nag pro-process sa utak ko kung anong nangyare kanina at kung ano ng ganap dito sa Pinas.



Nung medyo ramdam ko ng nilalamok na ko, nag doorbell ako ng dalawang beses at biglang bumukas yung gate.



"Erekaaaaaaaah!" Nakita ko si kuya na tumatakbo papalapit saakin.



He's wearing a unicorn onesie at naka-paa lang siya. Nice bakla na pala kuya ko.



"Panget mo." Sabi ko sabay lampas sakanya.



Hinabol niya naman ako at inakbayan ako kaya napatigil ako sa paglalakad.



"Miss na miss ako." Sabi ko sabay taas baba ng dalawang kilay ko para asarin siya.



"Sus baka ikaw, di ka pa nga nagpasabi na uuwi ka. Sino sumundo sayo? Tsaka bat ganyan make-up mo, yung mascara mo mukhang nalusaw na tae ng pusit." Pang-aasar niya kaya binatukan ko siya ng malakas.



"Gago, sinundo ako ni Eros kase muntikan na ko ma-rape kanina." Sabi ko.



Ang bilis nagpalit ng itsura ni kuya, from the masakit ang ulo ko look to the protective kuya look.



"Sinong gago ang malas na gustong anakan ka?" Sabi niya.



Kaya binatukan ko ulit siya, ewan ko ba di ko alam kung bakit ko naging kapatid ko.



"Hoy excuse me ha, para yata siyang nakakita ng grasya, ke ganda ganda ko kaya." Sabay hawi ng buhok ko at ngiti kay kuya.



"Ulol, oh ano na nga nasaan na yung gustong mang-rape sayo?" Tanong ni kuya na ngayon ay hila-hila na yung bagahe ko.



"Naipakulong na namin ni Eros kanina kaya medyo late na kong naka-uwi." Sagot ko.



"Kasama mo si Eros?" Tanong ni kuya kaya medyo nagtataka pa ako kase ang weird ni kuya.



"Oo, bakit ano bang meron?" Tanong ko pabalik.



"Wala, tara na baka inaantay ka na nila Mom lalo na ni Luen." Sabi niya sabay hila saakin papasok ng bahay.

Skies Calculations (Skies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon