NINE

75 11 0
                                    


Nandito na kami sa kotse at nagdri-drive na ko pauwi, pero etong kupal kong kapatid napaka-ingay at hindi makali sa pagatatanong saakin. Nagulat kase sila ate at kuya kase pag uwi namin may bitbit na kong bulaklak at pinahawak ko pa nga dito sa magaling kong kapatid.


"Kanino nga kase 'to galing? Sasagot lang eh para ka namang tanga." Pagtatanong ni kuya at niyuyugyog pa yung balikat ko.


"Pag nabangga yung kotse ko babatukan talaga kita." Badtrip ko ng sagot kaya nagmukha siyang maamong aso.


"Oo na, pero kanino nga 'to galing?" Ulit niya ulit ng tanong.


"Kay Wyatt." Sagot ko kaya agad napatingin saakin si Kuya at parang hindi makapaniwala sa sinagot ko.


"Ano kanino ulet? Baka maling pangalan yung narinig ko." Pang-aasar ulit ni Kuya.


"Kay Wyatt nga, ikaw paulit-ulit ka babatukan na talaga kita." Inis ko ng sabi at humarap sakanya habang traffic pa.


"Akala ko ba hindi na kayo ni Wyatt?" Sabi ni Kuya.


"Bawal mag bid ng farewell pag maghihiwalay na?" Sabi ko naman sabay angat ng kilay.


"Ay sus mga rasunan, bat kase di nalang kayo magkabalikan?" Pang-aasar ni Kuya.


Kaya napaisip ako, bakit nga ba hindi ko bigyan ng chance si Wyatt? Hindi na ko nagsalita at nagdrive nalang ako ng tahimik at hindi ko na inisip si Wyatt kase baka maaksidente lang ako.




Nakadating na kami ng matiwasay sa bahay at tulog nadin si Luen. Lumapit si Ate Cloe at nagpasalamat.


"Erekah, salamat sa pagsama tsaka pag bayad nadin nung iba ha." Sabi saakin ni Ate Cloe habang hinehele si Luen.


"Oo naman, alam mo naman kung gano ko kamahal yang si Luen." Tapik ko kay Ate Cloe at ngiti.


"Salamat ulit, sige na ipapasok ko na si Luen." Ngumiti din siya pabalik tsaka niya na pinasok si Luen sa loob.


Papasok na sana ko sa loob when kuya suddenly hold my arm and let me face him.


"Ano nanaman ba yun kuya?" Irita kong sabi.


"Seryoso na ko Erekah." Sabi ni Kuya and oo nga mukhang seryoso na nga siya.


"Okay, what is it kuya?" Malumanay ko ng sabi.


"I don't want you to be hurt again Erekah, please choose someone who will love you more than you love yourself and more than you love sunflowers." He said and smiled at me.


"Yes kuya, thank you, I love you. Di ka na mabaho kaninang umaga." Sabi ko sabay tawa.


Skies Calculations (Skies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon