PROLOUGE

339 17 45
                                    


Tumatakbo ako hindi ko alam kung san ako dadalhin ng paa ko basta ang alam ko kailangan kong tumakbo, kailangan kong habulin si Eros na aalis na ng bansa.


Nakarating na ko sa airport at agad hinanap ng mga mata ko sila Tita Ezra at Tito Gab hoping that I could still beg for them to let Eros stay here, kasama ako. Kahit imposible.


"Tita Ezra! Tito Gab! Please wag niyong gawin saamin 'to! Mahal ko si Eros! Wag niyo po siyang ilayo saakin!" Nakaluhod ako sa harapan nila tita at pilit akong nagmamakaawa sakanila.


"Maika anak, umalis ka na please! Sinabi ko naman sayo pag nag desisyon na ang Tita Ezra mo, final na yon. Kahit ako na hindi naman tutol sainyo ay wala ng magagawa don. Sorry Maika, please umuwi ka nalang nak." Kahit tinatayo na ko ni Tito Gab di ako nagpatinag at pilit ko paring kinukumbinse si Tita na wag ilayo si Eros saakin.


Hindi tumitingin ng deretso sa mata ko si Tita Ezra pero alam kong umiiyak siya at pinipigilan niya ang sarili niya na makapagsalita siya ng masama at masaktan ako. Samantalang si Grant ay nakatingin lang saakin at parang pinaparating ng mga mata niya na 'Ate Maika umuwi ka na desedido na si Mommy.'


"Maika naririnig mo ba yang sarili mo?!" Sabi ni Tita habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Pilit akong itinayo ni Tita at pag-tayo ko agad niya kong sinampal, tanging yung sampal na yon ang tuluyan ng gumising sa diwa ko.


"Mahal mo si Eros?! Ulitin mo nga, baka nagkamali lang ako ng dinig." Suminghal si Tita at tumingin ule saakin na luhaan na ang mata.


"Maika! Hindi pwedeng maging kayo ni Eros kase si Margaux ang in-arrange marriage sakanya! Ayokong masira ang magandang pagsasama ng pamilya natin, kaya please Maika wag mo na kong hayaan na saktan ka ulit! Please Maika! Umuwi ka na! My decision is already final! Go home!" Bigla akong tinulak ni Tita kaya tumumba ako sa sahig at tumama yung balikat ko na nag cause ng sugat at kitang kita kong dumudugo pa.


Lalapit pa sana ako ulit kay Tita Ezra pero wala na kong nagawa kase dumating si Kuya Misher kasama ang girlfriend niya na si Ate Cloé at agad akong binuhat papunta sa kotse.


Pagsakay ko sa kotse umiiyak paden ako pero bigla akong tumigil nang sumigaw nalang bigla si Kuya na nagpatahimik kay Ate Cloé.


"What the fuck are you doing, Maika Erekah?! Nagiisip ka pa ba?! Tangina naman bunso! Hayaan mo na si Eros, he's not good for you! Mas lalong di kayo pwede kase may kasunduan na!"


"What the fuck am I doing, ha Kuya?! I'm chasing my life! You know how much I love Eros! I can't imagine waking up tomorrow knowing that Eros is not here anymore! Knowing that I can't be with him, forever!"


"You know what Erekah you are already fucked up! Ang laki ng problema na dinulot mo ngayon sa pamilya natin!"


"You know what too kuya, you are all selfish! Because everything is all about money, reputation, and power! Ni hindi niyo man lang inisip na papiliin si Eros kung sino samin ni Empress ang gusto niyang mapangasawa!"


"Bakit sigurado ka ba na ikaw ang pipiliin ni Eros?! Ha Erekah?! Sigurado ka ba?!"


Skies Calculations (Skies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon