TWENTY

82 4 1
                                    


I woke up kase super ingay ng alarm ko sa desk sa gilid ko. I have no choice, seven times na kong nagigising sa alarm ko at hindi ko alam kung bakit ako nakahiga sa kama ko at bakit nag a-alarm yung phone ko.



"What the fuck?" Napabangon ako nung naramdaman kong nakahiga ng ako sa kama. Tinignan ko ang hotel room at nandito ako sa hotel room namin ni Gwyneth.



"Oh gising ka na pala, bitbit ka kagabi ni Captain Dixon, nagulat ako basang basa ka tsaka nahimatay ka ata. San ba kayo galling ni Captain?" Gwyneth said while putting on her earrings and combing her long hair.



"Binitbit ako ni Eros?" I asked.



"Wow first name basis," Pagbibiro ni Gwyneth, "Ay siya nga pala bumangon ka na jan, anong oras na may flight pa tayo papuntang Laos." Gwyneth said kaya naman bigla akong bumangon.



Tinignan ko yung maleta ko at nagulat ako na naka-ayos na siya. Bago pa ako magtanong kay Gwyneth sinagot niya na ako.



"Inayos na ni Captain kagabi, nilabas niya na din yung damit mo. Buti nga di nailing si Captain na ilabas gamit ko lalo na yung mga undergarments mo." Pagbibiro ni Gwyneth.



"Bakit nga pala may flight tayo going to Laos? Tinignan ko yung schedule pero wala naman tayong scheduled flight ng 8 am going to Laos." I asked while washing my face.



"Buang, magbabakasyon tayo sa Laos. Ano ba nakain mo at nalimutan mo na lahat ng itinerary natin?" Gwyneth said and laughed at me.



"Whatever, sige na maliligo lang ako ng mabilis." I said and shut the bathroom door close.





We are now waiting at the lobby and 7:00 am na. I just wore a over sized neon green hoodie, and nagsuot nalang din ako ng biker shorts. I wore my chunky shoes and naka sunglass ako dahil mejo puyat pa ako.



"Goodmorning!" Rinig kong bati ni Eros.



Napatayo lahat ng cabin crew and they bow down to Eros.



"Goodmorning Captain!" Bati nila, samantalang ako naka tingin lang sakanya habang nakapamewang.



"Goodmorning Ms. Adair." He said and smile teasingly at me.



"Goodmorning Captain Dixon." Bati ko naman at naglakad na ako dala yung maleta ko palabas ng hotel lobby.

Skies Calculations (Skies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon