Dos

1.4K 45 3
                                    

Thank You
Dedicated to joymapagmahal3793

Hello po JhadeMoral5 thank you for reading and supporting my stories 😘😘😘 hope to see you in my journey in writing❤❤❤

Maagang ginising si Harith ng mommy niya para sabay-sabay na daw silang magbreakfast pati ng dad niya. Minsan kasi hindi sila nagkakasabay kumain lalo pa at laging maagang umaalis ang dad niya patungong opisina.

Madalas ang mommy niya ang kasalo niya palagi. Himala at ginising pa siya ngayon.

Anong meron?

She took a shower first at nagsuot ng simpleng damit. Wala naman siyang lakad today. After nun ay agad na siyang bumabanat nagtungo ng komedor.

"Good morning mom, dad." Nakangiting bungad niya sa mga magulang. Humalik siya sa pisngi ng mga ito.

"Good morning anak, upo ka na para makakain na tayo." Anang ina niya. Agad naman siyang tumalima.

"So dad, ano po pala ang gusto niyong sabihin?" Kaswal na saad niya sa ama habang nagsisimula ng kumain.

"I'll tell you later kapag tapos ka ng kumain." Sagot nito sa kanya. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya dito.

Her dad looked so serious. Kinakabahan siya kapag ganito ang awra nito. Ibig sabihin seryosong usapan ang magaganap. Napalunok siya. Wala kasing pumapasok sa isipan niya sa maaring sabihin nito ngayon.

Parang hindi siya na-inform.

Tiningnan niya rin ang mommy niya na nagkibit-balikat lang sa kanya.

Tahimik niyang tinapos ang pagkain. Habang kumakain ay pinipilit niyang isipin kung ano ang posible o maaring pag-usapan nila ngayong pamilya. Panaka-naka naman ang tingin ng ama niya sa kanya.

Mahabang katahimikan ang nagdaan bago muling nagsalita ang ama niya.

"Hija, you know that you are our only daughter, right?" Panimula ng dad niya.

Napalunok siya. "Yes dad."

"Kaya walang ibang magmamana noon kundi ikaw." Dagdag pa nito. Nanatili siyanh tahimik at inaantay ang kasunod na sasabihin ng ama habang ang mommy niya ang tahimik lang n nakikinig at nakikiramdam sa kanilang mag-ama.

"Gusto kong matuto kang pag-aralan ang pasikot-sikot at pagma-mamanage ng resort." Anito which is inaasahan naman niya talaga.

"Okay dad, I know it already. Ini-expect ko rin naman 'yan. And I am very much willing to learn dad so no worries." Nakangiting pagsang-ayon niya.

Tila nakahinga siya ng maluwag sa tinuran ng ama. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito. Kinabahan pa siya kanina.

"Just set the date kung kailan ako mag-iistart dad para makaready ako. By the way dad sino nga pala ang magtuturo sa 'kin sa resort? I mean 'yung mag-gaguide sa 'kin?" aniya pa niya.

"The truth is, hindi ka sa resort natin magtatrabaho anak." Automatically she shifted her gazed to her dad.

"W-what do you mean dad?" Nagpalioat-lipat siya ng tingin sa mga magulang.

"Gusto kong matuto ka sa ibang kompanya. You'll be working on the other company for the mean time." Paliwanag ng dad niya. Her jaw literally dropped of what she heard.

"Seriously dad?" panigurado niya.

"I am dead serious Harith Marie." Napangiwi siya ng banggitin nito ang buong pangalan niya.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon