Diecisiete

878 37 4
                                    

Thank You
Dedicated to MayDivinePaguntalan


It's been three days pero tila parang wala pa rin sa sarili si Harith. She told to herlself na kakalimutan niya at ibabaon sa limot ang nangyari sa kanila ni Clint. Pero kabaligtaran ang nangyari dahil halos sa tatlong ara wna nagdaan never nawaglit sa isipan niya ang nangyari. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya. Clint tried to call her but she didn't answer his calls. Mas minabuti niyang i-off 'yon. She wants to be alone and at peace.

Sunod-sunod na katok ang pumukaw sa atensiyon niya.

"Come in." Aniya. She's still lying on her bed. Tinatamad pa siyang bumangon.

Nakita niya ang ina na pumasok. She look worried. Napakunot naman ang noo niya.

"Have you seen the news anak?"

"Huh? Nope. I turned off my phone and didn't watch tv." She answered.

"Oh God, you need to call Karrie, something happened last night at the event that was held by the Villaruel. She was involve there and her certain boyfriend Owen Smith." Paliwanag ng ina niya. She look worried and bothered.

"Oh my.. I'll call Karrie." She quickly reach for her phone na ilang araw ng nakapatay.

"Okay, I'll call Karrie's parents para kamustahin sila." Anang ina niya at lumabas ng kuwarto niya. Kung malapit silang dalawa ni Karrie ay ganon din ang mga parents nila.

She turn on her phone at sandamakmak ang messages na natanggap niya mula sa binata. Natigilan siya. Sa loob ng tatlong araw mukhang hindi siya tinantanang tawagan ar itext ng binata.

She sighed. Mamaya na niya babasahin ang mga messages nito. She was about to dial karrie's number nang biglang tumunog ang phone niya. It's Karrie who's calling her. Agad niya iyong sinagot

"Hey kamusta ka? What happened? I'm sorry I wasn't able to call you these past few weeks. Medyo busy lang." Agad na bungad niya sa matalik na kaibigan.

"I'm fine, so ano wala kang balak magparamdam?" Nahimigan niya ang pagtatampo sa boses nito.

She bit her lower lip. "I'm sorry. I'll make it up to you. Magkita tayo ngayon and you got a lot of explaining to do." Aniya dito.

"Yeah, yeah whatever." Sinabi nito kung saan sila magkikita. Saglit pa silang nag-usap bago tinapos iyon.

Napangiwi si Harith habang pinapark ang sasakyan niya sa parking lot ng coffee shop kung saan sila magkikita. She's late dahil sa traffic for sure kanina pa nag-aantay si Karrie sa kanya. Mukhang masasabon na naman siya nito.

Pagkapasok niya ay hinanap niya ito sa loob. She saw her waiving at her. She's smiling at her. Oh, God, she missed her bestfriend.

Agad niya itong nilapitan. Niyakap niya agad ito at bineso. "I missed you beshy." Aniya dito. Ganon din ito.

Umupo siya sa bakanteng upuang naroon at tinawag ang waiter para umorder mg paborito nilang coffee at cake. "So what happpened to you? Bakit wala kang paramdam?" nakasimangot na saad nito sa kanya.

"Huwag ka ng magtampo, naging busy lang ako." Bumuntong-hininga siya.

"Care to share?" Worried na tanong nito sa kanya.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon