Tres

1.2K 42 0
                                    

Thank You
Dedicated to mhailove87

Tanghali na ng magising si Harith. Bahagya niyang kinusot ang mga mata at nag-unat. Tiningnan niya ang alarm clock na nasa bedside table niya.

Lunch time na pala.

Bumangon siya dinampot ang cellphone niya na nasa drawer. Walang text o tawag doon. She dialled Karrie's number her bestfriend. Naka-off ang phone.

Strange.

Hindi kasi ito mahilig magpatay ng phone.

Ah, baka lowbatt. Tatawagan na lang niya ulit mamaya.

She sighed.

Tinungo niya ang closet at namili ng susuotion. Bibisitahin na lang niya muna ang spa niya para naman may magawa siya. Pagkatapos nun pupuntahan na lang niya sa shop nito si Karrie.

Namimiss na niya ito. Lately masyado silang busy dalawa kaya walang time magkita. Tawag or text lang silang dalawa.

She needs someone to talk to. At alam niyang ang bestfriend niya lang ang puwede niyang makausap sa mga oras na iyon.

She settled to wear a beige crop top off shoulder and paired it with a ripped jeans. Naglagay lang siya ng light make-up at simpleng nilugay ang medyo mahaba na niyang buhok. Bago lumabas ng silid niya.

Nakasalubong niya ang mommy niya pababa ng hagdan.

"Going somewhere anak?" Her mother asked.

"Yes mom, dadaan ako sa spa and then pupuntahan ko si Karrie." Aniya sa ina.

"Hindi ka na ba kakain?"

"Hindi na 'my. Sa labas na ako kakain. Mauna na po ako " paalam niya at humalik sa pisngi nito.

"Okay, you take care. Send my regards to Karrie." Kahit hindi man sabihin kita niya ang pag-aalala sa mukha ng ina. Siguro dahil sa naging pag-uusap nila kanina.

"I will mom." Mabilis na siyang tumalikod baka kasi kung ano pa ang sabihin ng mommy niya. Ayaw muna niyang pag-usapan ang tungkol kanina.

•••

Bago siya tumungo ng spa ay itinigil muna niya ang sasakyan sa malapit na coffee shop na nadaanan niya. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw. Namiss niya din uminom ng frappe na pareho nilang favorite ng bestfriend niya.

She parked her car outside the coffee shop. Habang naglalakad ay chineck niya ang loob ng bag niya kung nadala niya ba ang phone niya para matawagan niya si Karrie.

Damn! Saan na ba 'yon? Napasimangot siya.

She couldn't find it. Mukhang naiwan niya sa kuwarto niya. Pinatong niya lang iyon kanina sa taas ng drawer niya. Baka nakalimutan niyang ilagay sa bag. Sakto namang pag-angat niya ng ulo niya ay ang pagbunggo niya sa kasalubong niya. Sa malapad nitong dibdib.

She gasped when she felt the cold liquid on her body. Tumapon iyon sa dibdib niya. At sobrang lamig! She's thankful at hindi hot coffee ang bitbit nito dahil 'pag nagkataon baka nalapnos ang balat niya sa init. At baka mamura niya ang gumawa niyon.

Gosh! Muntikan na.

"Damn you woman! Are you blind or what? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Buo at galit ang tinig ng isang lalaki na nasa harap niya. Mababakas sa boses nito ang iritasyon.

Aba't! Napakayabang naman nito!

Naningkit ang mga mata niya na hinarap ito. Nakahanda na siyang bulwayan ito pero ganoon na lang ang gulat niya ng mapagmasdan ang hitsura nito.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon