Cinco

1.1K 44 2
                                    

Thank You
Dedicated to Godliftmeup

Nakaayos na si Harith para sa pagpunta sa Elite Club. Casual dress lang ang isinuot niya. Hindi naman masyadong revealing. She put a light make-up maliban sa labi niya. She used matte red lipstick. Di bale ng walang make-up basta may lipstick.

Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na siya para magpaalam sa mga magulang. Pero hindi niya ito mahanap sa living room. Minabuti niyang magtungo sa kusina baka sakaling nandoon ang mga ito.

Hindi nga siya nagkamali. She saw her parents were both busy sa paghahanda ng pagkain.

She frowned.

Anong meron? Busy? Parang may fiesta.

Sa dami kasi ng nakahaing pagkain sa dining table nila ay mapagkakamalang my handaan. Wala naman siyang matandaang okasyon ngayong araw na 'to.

"Mom? Dad? Anong meron?" hindi nakatiis na tanong niya ng bumungad sa mga ito.

Nilingon naman siya ng mga ito. "Oh, hija, tamang-tama mabuti naman at nakaready ka na." Nakangiting anas ng mommy niya.

Nakaready saan?

"Huh?" naguguluhang sambit niya. Lalong lumalim ang gatla sa noo niya.

"Magdi-dinner na tayo." sagot nito.

"Andami naman ng hinanda niyo mommy. Hindi naman natin mauubos ito. And besides hindi ako makakapagdinner ngayon. I'm going out with Karrie." paliwanag niya.

Awtomatiko namang natigilan ang mga ito na parang may sinabi siyang mali.

"No, you can't leave tonight." seryosong saad ng dad niya.

"But dad Karrie's waiting—"

"May bisita tayong darating ngayon. And I want you to join us." putol ng ama niya sa sasabihin niya.

"Hija, this is a very important dinner. Pagbigyan mo na kami ng dad mo. Surely Karrie will understand, marami pa namang nextime." pakiusap ng mommy niya sa kanya.

"The Thompson's are coming tonight, I want to introduce you to them. Hindi kasi natuloy ang meeting namin kanina so invited them over dinner na pinaunlakan naman nila. So please stay Harith. Just for tonight, will you?" malumanay na wika ng dad niya.

She heaved a sigh. Sa hitsura pa lang ng dad niya mukhang hindi na siya makakatanggi.

"Okay dad, I'll just cal Karrie." masasabon na naman siya ng bestfriend niya sa sasabihin niya.

Pero wala naman siyang choice. Somehow she felt curious kunh sino nga ba ang family Thompson na ito. Lalo pa at dito siya gustong pagtrabahuhin ng dad niya. Much better na rin makilala niya ang mga ito.

Saglit siyang umalis para matawagan si Karrie. After three rings sumagot ito.


Where are you? Andito na ako sa labas." Bungad agad nito sa kanya pagkasagot sa tawag niya. Napangiwi siya.

"Sorry girl, something came up. Hindi ako makaalis dito sa bahay." Apologetic na saad niya dito. Nakagat niya ang labi. She felt guilty. Gustuhin man niyang puntahan para damayan ito ay hindi niya magawa.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon