Veintitrés

882 39 8
                                    

Thank You
Dedicated to MaricelBinalla6



Finally her bestfriend said yes to Owen. She's happy for Karrie. Nagproprose na kasi si Owen dito. Plus na magkakababy pa ang mga ito. It's a complete package na talaga.

Hindi rin maitago sa kaibigan niya ang saya sa mukha nito. Nakakainggit ang kasiyahan nito. Suddenly she felt sad lalo na kanina ng magsalubong sila ni Clint. But to her dismay, hindi siya pinansin nito.

Mukhang sumama ang loob nito sa sinabi niya. Gusto niya itong kausapin at bawiin ang sinabi niya. Gusto niyang magsorry dito. It was a harsh thing to say, nakonsensiya tuloy siya. Kitang-kita niya kasi na nasaktan ito sa sinabi niya. Though kahit gusto niya itong kausapin ngayon kaso araw ni Karrie she doesn't want to ruin it.

Pinag-uumpukan ito ngayon kaya naman agad siyang lumapit para mabati din ito.

Agad niya itong niyakap ng mahigpit ng makalapit siya. "I'm happy for you bestfriend." Malapad ang ngiting saad niya.

"Thank you, siyempre ikaw ang maid of honor ko." Anito sa kanya na ikinatuwa naman niya.

"Dapat lang noh! Pero geez! Happy talaga ako para sa 'yo." Naiyak pa siya at muli itong niyakap.

Nabaling ang atensiyon nila ng pinatunog ni Clint ang hawak baso na naglalaman ng champagne. Isa-isa naman silang inabutan ng waiter na naroon.

"Let's make a toast for the happy and engaged couple here, congratulations to both you. Andito lang kami para sa inyo. Anytime and anywhere. Cheers!" Initaas nito ang hawak na baso bago sila sabay na uminom. Pero bago iyon their eyes met. Pero agad itong nag-iwas ng tingin. May konting kurot siyang naramdaman dahil sa ginawa nito.

It's her fault, walang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Hindi rin niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Kusa na lang lumabas sa bibig niya. Or maybe she was drivin' by jealousy that time. Kitang-kita niya kasi kung paano nito hawakan ang babae. Kung paano ito mag-alaala doon. She didn't bother kung sino 'yon. Baka mamaya kamag-anak nito or whatsoever. Pero sino ba siya para magtanong? Hindi naman sila. There's no label between them. So she doesn't have any right.

She heaved a sighed, bukas na lang niya ito kakausapin tutal papasok naman siya bukas.

Panaka-naka niya itong sinusulyapan habang kausap ang mga kaibigan nito. Pinagmamasdan niya ito, he looks so handsome tonight. Well guwapo naman talaga 'to but tonight he looks more handsome sa three piece suit na suot nito. Bagong gupit at shave din ito. He looks so fresh.

Shit! What am I thinking?

Nakagat niya ang ibabang labi. Medyo naparami na rin ang nainom niya. Hindi siya puwedeng malasing at magdadrive pa siya pauwi.

Hindi man niya aminin pero namimiss niya ito. Ang pangungulit nito lalo na ang pagiging possessive nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya ng hindi na niya ito makita. Inilibot niya ang kanyang paningin sa rooftop pero hindi niya ito makita.

Where is he?

Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya nag bestfriend niya.

"Who are you looking for?" Napapitlag pa siya ng magsalita si Karrie.

"Huh? N—nothing." kunway sabi niya.

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling?" anito sa kanya. Kilalang-kilala talaga siya nito.

"What do you mean?" Baka sakaling makalusot.

"You're looking for him right? I mean Clint." Anito habang inaarok ang paningin niya.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon