Diecinueve

895 37 7
                                    

Thank You
Dedicated to Careenmisty143



Harith was relieve ng malamang lalabas din ang matalik na kaibigan kinabukasan. Nagpaalam siyang uuwi muna at inaantay siya ng parents niya. Hindi ito nakapunta sa ospital para madalaw si Karrie dahil may mahalagang meeting ang mga ito na pinuntahan.

She went straight in the dining kung saan nag-aantay ang mga magulang niya. Dinner time na rin pala pero parang hindi siya nakakaramdam ng gutom.

Nadatnan niya ang mga magulang na nag-aantay sa kanya. Binati niya ang mga ito at naupo sa harap ng mga magulang. Kinamusta naman nito ang kalagayan ni Karrie. Nakahinga naman ng maluwag ang mga 'to ng malamang okay lang ito.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng biglang magsalita muli ang ama niya.

"By the way, you'll start working tomorrow at Thompson's Hotel. I already told Clint and it's fine with him." Muntik na siyang mabilaukan sa narinig.

"Po?" Aniya dahil baka nagkamali lang siya ng dinig.

"Bukas ka na magsisimulang magtrabaho sa Thompson" ulit ng ama niya.

"Agad-agad? I mean bukas agad? Hindi ba puwedeng n—nextwek?" Nanghihinang anas niya.

"The earlier the better. Why? I thought it's fine with you. We talked about this, right?" Anang ama niya na matiim na nakatingin sa kanya.

"Y—yes dad." Alanganin niyang sagot.

"Then it's settled. You'll start tomorrow, so be ready. Clint will take care of you so nothingnto worry about." kumpiyansang saad ng ama niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Napalunok siya. Meaning araw-araw niyang makikita ito. Araw-araw niyang makakasama.

How can she avoid him now?

Tila yata lalo pa silang pinaglalapit na dalawa. Oh God, ano ba ang plano mo? Hindi na niya natapos ang pagkain niya. Pakiramdam niya bigla siyang nabusog.

Nagpaalam na siya na magpapahinga. Lutang ang isipan niya sa kakaisip na posibleng mangyari bukas.

Somehow, may bahagi ng puso niya ang na-eexcite na magkikita sila nito lagi.

Pero kanina lang nagkita na kayo, right?

After kanina ay hindi na sila nakapag-usap na ipinagpasalamat niya. Hindi niya na alam ang gagawin 'pag nagkataon. Basta ang alam niya nanganganib ang puso niya.

Nakatulog siya sa ganoong pag-iisip.

Kinabukasan maagang gumayak si Harith, yeah, hindi naman siya masyadong excited. It's just that ayaw niyang ma-late sa unang araw ng work niya kuno.

Geez, she really couldn't imagine upto now na magtatrabaho siya sa binata.

She wore a black pencil cut skirt. Pinaresan ng black tube saka pinatungan ng red blazer. Pormal na pormal ang peg niya. Samahan pa ng red stilleto na may dalawang pulgada ang taas.

Light make up lang nilagay niya except sa red lips niyang mamula-mula. She want it that way kahit walang make-up masyado basta nakalipstick siya ng bongga. Inilugay niya lang ang mahaba niyang buhok.

Narating niya ang Thompson Hotel after 30 minutes of driving. She's glad na hindi siya naipit sa traffic. She took her purse at tinungo ang entrance ng hotel.

Magiliw siyang binati ng guard na sinuklian niya ng matamis na ngiti. She saw kung paano ito napanganga sa kanya. At kahit hindi man niya nakikita ramdam niya ang mga matang nakamasid sa kanya.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon