Seis

1.1K 41 4
                                    

Thank You
Dedicated to Nics_Goddess

Natapos ang dinner nang hindi na siya kumibo. Naiinis siya sa kaharap niya. Pakindat-kindat pa. Sarap tusukin ng tinidor ang mata.

Nakakairita!

Nananadya pa ang pagkakataon at pinasamahan pa ng dad niya sa kanya ang binata upang estimahin. Aakyat kasi ang mga parents nila para ipakita sa mommy ng binata ang mga bagong collection nito ng paintings.

Mahilig sa paintings ang parents niya lalo na ang mommy niya. Nag-suggest siya na sasama sa mga ito pero hindi siya pinayagan ng ama at asikasuhin na lang daw ang binata.

Ano ba 'to bata?

Nasa hardin silang dalawa. Actually hindi niya ito kinakausap pero nakasunod ito sa kanya kung saan man siya pumunta.

Madalas talaga siyang tumambay sa hardin kung saan pinsadya ng ama niya na maglagay mg duyan doon. This is one of her favorite spot sa bahay nila. Dito siya madalas magpahangin.

Hinatiran sila ng tsaa ni Nana Mely. Nagpasalamat siya at iniwan silang dalawa roon.

"What a small world." Napatingin siya sa tinuran nito.

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Are you stalking me?" Out of nowhere she asked.

"Whoa! What the hell are you talking? Sa guwapo kong 'to? Mukha ba akong stalker?" Irritation was visible on his face. Mukhang hindi ata nito nagustuhan ang kanyang sinabi. Pero nagulat siya sa naging response nito.

"GGSS ka rin eh noh?" Gulat na saad nita. Grabe ang isang 'to.

"Ggss? W—what's the meaning of that?" Tila hindi nito nagets ang ibig niyang sabihin.

Saang planeta ba galing 'to?

"Guwapong-guwapo sa sarili, that's the meaning of it. Ganoon kataas ang confidence?" maanghang niyang sabi. Nakaawang pa ang labi niya dahil sa hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi nito.

Certified hambog!

"Oh, I see." a playful smile crept on his lips. "Why not? Do I look ugly?" tumaas ang kilay nito at marahang lumapit sa kanya. Ambilis naman magbago ng expression nito. Napaatras naman siya.

"Bakit hindi ka tumingin sa salamin?" pang-iinis niya pa dito.

"Bakit hindi mo na lang ako titigan and then tell me." bigla nitong inilapit ang mukha nito sa kanya na ikinabigla niya.

She could smell his minty breath. Tumatama iyon sa mukha niya.

Bakit ganoon? Hindi ito amoy ulam? Bakit ambango?

Umatras pa siya hanggang sa maramdaman niya ang bakal na duyan sa likuran niya.

"L—lumayo ka nga." itinukod niya ang dalawang kamay sa dibdib nito. Nagpasalamat naman siya at umatras ito. Tila nakahinga siya ng maluwag.

Nabibingi kasi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Bigla-bigla na lang nagdi-dribol sa bilis ng pagtibok.

"Now answer me, hindi ka ba naga-guwapuhan sa 'kin?" pangungulit nito. Napapantastikuhang napatingin naman siya dito.

"Bakit ba ang kulit mo?" pinameywangan niya ito.

"Dahil nakakainis ka!" biglang sambit nito.

"At ako pa talaga ang nakakainis?! You're out of your mind. Mag-tsaa ka na lang ng mahimasmasan ka!" Nanggigigil na turan niya dito. Nababaliw na ata 'to.

Be Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon