Part 1

11.9K 67 2
                                    

<Day 100>

Mag isa akong tulala sa waiting shed habang hawak ang brown envelope mula sa hospital. Maingay ang paligid sa kalye, puro busina ng mga sasakyan at pito ng traffic enforcer, nanatili akong tulala at malalim ang iniisip.
Di parin ako makapaniwala sa aking konting araw na nalalabi sa mundo.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nang ma-diagnosed ako ng pancreatic cancer. May taning na ang aking buhay at tatlong buwan na lamang ang nalalabi sa akin ayon sa doctor.
Itinuturing na isa ang pancreatic cancer sa pinaka traydor na uri ng sakit. Kinikilala itong "silent killer" sapagkat unti-unting kumakalat ang cancer sa buong katawan nang walang nararamdamang kahit anong sintomas.

Ayon sa aking doktora, muli na umanong lumabas ng pancreas ang aking tumor dahilan upang di na ako maaari pang pagalingin ng operasyon. Wala na raw itong lunas at mayroon na lamang daw akong tatlong buwan para mabuhay.
Saka ko lamang daw mararamdaman ang ilang sintomas ng cancer sa mga huling linggo ng buhay ko.

Ako si Evangelyn Del Rosario, pero mas kilala ako sa aking palayaw na "Eva".
42 years old at matandang dalaga.
Walang asawa at anak, at hindi pa nararanasang magkaroon ng nobyo sa loob ng 42 years ko sa mundo.
Kahit ako'y nasa kwarenta na, nanatili paring dalaga ang aking pag-iisip at puso.

Sinusubukan ko na rin ihanda ang aking sarili para sa aking mga nalalabing araw. Ngunit kung mabibigyan ako ng pagkakataon, may isa akong bagay na gustong hilingin bago bawian ng buhay.

At yun ay ang maranasan magkaroon ng kasintahan.























"Eva"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eva"
















"Greg"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Greg"
















"Greg"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon