Part 12

3.3K 31 0
                                    

* * * * * * *
Nang makarating na kami sa lagusan ay ipinarke ko na ang kotse.

"Girl san ang bahay niyo? Puro puno lang naman dito." Tanong ni Georgina habang minamasid ang buong paligid.

"Wala dito ang bahay, dadaan pa tayo sa lagusang yon." Sabay turo ko sa daan.

"Omg, malayo ba lalakarin?" Tanong niya.

"Oo 15 minutes lang naman, pinipilit moko diba, pwes magtiis ka mamshi."

"Okay." Sabi niya habang inaalsa ang suot na palda habang lumalakad kami sa lagusan.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa bahay.

Nasorpresa naman si Georgina sa nakita.

"Eto na ba house niyo? Very peaceful, nag iisa lang bahay niyo dito." Sabi niya habang tinitingnan ang bahay at paligid.

Nasa may pintuan na kami nang aking kapain ang aking bulsa para kunin ang susi.

Laking gulat ko nang maramdamang wala ang aking susi sa aking bulsa at bag. Tanging susi lang ng kotse ang nasa akin.

"Omg Georgina yung susi ng bahay." Sabi ko habang patuloy na kinakapkapan ang sarili.

"Mmm.. yan ka na naman Eva, yung pagiging makalimutin mo na naman." Sabi ni Georgina habang naka-cross arms at naka taas ang kanang kilay.

"Naku naiwan ko sa drawer ng kotse." Sabi ko habang sinasampal ang noo.

"Hay nako Eva, ang haba ng nilakad natin. Kaw talaga. Oh sha ako nalang kukuha, akin na yung susi ng kotse mo. Di ka pwedeng mapagod, may sakit ka." Sabi niya habang inaagaw sakin ang susi ng kotse.


"Wag na Georgina, baka maligaw ka lang dito sa bukid. Panigurado malilito ka lang sa daan." Sabi ko.

"Kaya ko yun, ano ka ba. Alam mo nang may sakit ka eh." Tugon niya.

"Wag na Georgina, malakas pa naman ako sa ngayon kaya wag ka mag-alala. Kaya ko pa sarili ko."

"Oh sige kaw bahala, dito lang ako. Di ako aalis."

"Oh jan ka lang ha, wag ka pupunta kung saan-saan, baka maligaw ka."

"Sure, sige dalian mo na at mag-ingat ka."

Lumakad na ako patungong kotse. Nagdaan muli ang kinse minutos sa aking pagbalik para kunin ang susi sa kotse.
Nang makarating sa kotse ay agad ko nang kinuha ang susi ng bahay.
Bumalik muli ako sa bahay at panibagong kinse minutos na naman.
Malamang ay mahigit kumulang trenta minutos nang naiinip si Georgina kaka-antay sa akin.

Nahihingal-hingal akong bumalik sa bahay.
"Georgina nandito na ang susi." Sigaw ko habang lumalakad palapit sa bahay.

Laking gulat ko nang wala si Georgina sa bahay.
Minasid ko ang paligid ngunit wala siya.
"Georgina?!" Sigaw ko.

Inikot ko ang paligid ng labas ng aming bahay ngunit di ko siya makita.

Sinubukan kong tawagan ang kaniyang phone ngunit walang sumasagot.

Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon